Mikael Daez says he and Megan Young are in no rush to get married

IMAGE Noel Orsal

Mikael Daez admits that he and his girlfriend, Kapuso actress and Miss World 2013 Megan Young, both went through a phase of wanting to get married immediately. But they both got over it. Now, they're taking their time. "Sobrang happy namin sa isa't isa, inaalagaan namin yung mga kapatid namin, yung mga magulang namin. So, for me, enjoy muna namin yung mga nangyayari ngayon."

 


Masaya ang Kapuso actor na si Mikael Daez dahil sa wakas ay magkatrabaho sila ng kanyang girlfriend na si Megan Young sa iisang teleserye—ang The Stepdaughters ng GMA-7.

“Finally!” bulalas ni Mikael.

Ginusto raw talaga nila ito ni Megan.

Saad ng Kapuso actor, “Oo naman! Di ba, sayang naman?

"Alangan namang magdyowa kami for seven years, 'tapos pareho kaming nasa showbiz, pareho kaming nasa GMA, 'tapos hindi kami magkakatrabaho, hindi kami magkaka-teleserye?

“Ang lungkot naman nun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa presscon ng The Stepdaughters noong Biyernes, February 2, sa Prime Hotel, Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

ONE STEP AT A TIME. Isa sa madalas itanong kina Mikael at Megan ay kung kailan sila magpapakasal.

Ngunit gaya nang dati nilang sinasagot, wala pa raw magaganap na kasalan sa taong ito.

Nilinaw rin ni Mikael ang bulung-bulungang hinihintay lang nilang magkasama sila ni Megan sa isang soap opera at magpapakasal na sila.

“Sino nagsabi nun? Wala,” sabi ng Kapuso hunk.

“One step at at time, teleserye muna, tingnan natin ang mangyayari.

“Ang dami pa ring puwedeng gawin, malay mo bigyan kami ng hosting gig, kaming dalawa, di ba?

“Ang saya nun! Ang ganda ng ginawa nina Drew and Iya, ang saya-saya nila nung nag-guest kami sa show nila.

“So, iyon, puwede pang mangyari.”

Naging hosts ng People vs. The Stars sa GMA-7 ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania, kaya't isa rin ito sa ikatutuwa nina Mikael at Megan kung mabibigyan sila ng hosting gig sa TV.

“So, mga ganun, excited pa kami para sa mga puwedeng gawin.

"Marriage is definitely there, definitely pinag-iisipan namin, definitely pinag-uusapan namin, nag-a-attend kami sa mga weddings, di ba?

“Masaya siya, lagi kaming tinatanong, di ba?

“Nanunulak si Megan para makasalo ng flowers!” at tumawa si Mikael.

Ang tinutukoy ng aktor ay ang pagsalo ni Megan sa bridal bouquet ni Maxene Magalona, na ikinasal kay Robby Mananquil sa Boracay noong nakaraang buwan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Megan ng video kung paano siya nakipag-agawan upang masalo ang bouquet.

May kasabihan na ang sinumang nakaagaw ng wedding bouquet ang susunod na magpapakasal.


Stories We Are Tracking

Megan Young aggressively snatches Maxene's bridal bouquet
Megan Young aggressively snatches Maxene's bridal bouquet
Megan Young recounts bridal bouquet-snatching feat
Megan Young recounts bridal bouquet-snatching feat

Paliwanag ni Mikael, “May kuwento yun, may backstory yun na siyempre hindi na niya inilagay  sa Instagram niya.

“Ang backstory nun… ako kasi ang mas agresibo sa relationship namin. Siya, wala yun sa personality niya.

“'Tapos, sabi niya, ipapaagaw na ang bouquet.

“Sinabi ko talaga sa kanya, binulong ko sa kanya, ‘Megan, kailangan masalo mo yun, kung hindi… talagang wala na, wala na!’

“Parang ganun. Pero hindi ko in-expect.

“Siyempre lagi ko naman siyang inaasar nang ganun, laging ganun lang siya [deadma].

“Pero dito, ginanahan bigla, hindi ko alam kung ano ang nakain niya, nanulak, sinalo! Michael Jordan, e!”

NOT IN A HURRY. Sa kabila nito, hindi naman daw sila nagmamadali ni Megan.

Ayon kay Mikael, “Pero patient pa rin kami, I mean, there’s no need to rush, nag-e-enjoy pa rin kami.

“Sobrang happy namin sa isa’t isa, inaalagaan namin yung mga kapatid namin, yung mga magulang namin.

“So, for me, enjoy muna namin yung mga nangyayari ngayon.”

Inamin ni Mikael na pareho sila ni Megan na dumaan sa phase na gusto nang magpakasal. Ngunit pareho nilang nalampasan ito.

“I think, maybe at one point, medyo nagsalitan kami na ako nagra-rush, 'tapos siya.

"Pero right now, confident ako at pinag-usapan namin recently, this year lang, we’re both patient."

For sure daw ay hindi this year magaganap ang kasalan.

“Paano kung mag-one year itong The Stepdaughters? Hindi puwede [magpakasal].

“Definitely not this year, I am definitely confident with that.”

Pareho rin ba silang confident na hindi na sila maaagaw ng iba?

“Oo, tagal na! Matagal na yun.

“Confident kami sa isa’t isa,” sabi ni Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN