Is Kylie Padilla alluding to dad Robin Padilla in cryptic IG post?

IMAGE Noel Orsal

Sa kanyang Instagram story noong February 4, tila naglabas ng saloobin si Kylie Padilla sa hindi pinangalang personalidad na diumano'y sarado ang isip at hindi marunong tumanggap ng pagkakamali ng iba. May kinalaman kaya ito sa naungkat na isyu na hindi nila napagkakasunduan ng ama niyang si Robin Padilla? 


Idinaan ni Kylie Padilla, 25, sa matalinhagang mga salita ang kanyang saloobin sa mga taong sarado ang pag-iisip at hindi marunong tumanggap ng pagkakamali ng iba. 

Hindi tinukoy ni Kylie kung may partikular siyang taong pinatatamaan. 

Ngunit tila may kinalaman ito sa isyu sangkot ang kanyang amang si Robin Padilla, 48, at live-in partner ng aktres na si Aljur Abrenica, 27.  

Bungad ni Kylie sa kanyang Instagram story, na may petsang February 4: 

“I do not talk much that does not mean I do not see what is going on around me.

“All I can really say is, everyone has their own share of mistakes and their own share of hurt feelings.

“You cannot go around shaming people for their wrong doings when you too have your own. It does not work that way.

“The one flaw in these situations is that people always want to win, to the point that they end up choking on their own beliefs and hurting those people around them, people they love."

Sabay iginiit ni Kyle na mas nais niyang manaig ang pagiging positibo kaysa padaig sa galit at kawalan ng pag-intindi ng ibang tao.

Patuloy ng makahulugang pahayag ni Kylie, “Fighting for ‘what's right’ no longer comes from a good place but a place of hate and anger therefore turns you into exactly what you are trying to fight.

“Understanding, forgiving, and walking away takes great courage. Honesty takes great courage.

“And choosing your words carefully, choosing the path of love is the hardest thing to do and it too takes great courage.”

Sa puntong ito, tila hindi naitago ni Kylie na may personal na hugot ang kanyang Instagram post.

Aniya, “To sit there in your own pain and slowly heal through it without blaming someone else, is not something most people choose to do because it is hard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So instead they would rather go with their emotions and shoot hate at every direction, every person that they can.

“If you truly desire change and justice, you choose the peaceful path.”

NO TO "TYRANT" MINDSET. Sa huli, may pahayag pa si Kylie sa mga taong hindi marunong umintindi ng pinagdadaanan ng iba.

“Have people not learned from past mistakes?

“Letting the tyrant turn you into a tyrant, does not make you a winner.

“You have indeed lost.

“Maturity does not come with age and respect does not give itself freely to those older in age.

“Maturity is a choice and respect is earned not given freely those who don't deserve it.”

Hindi malinaw kung anong isyu at sinong personalidad ang tinutukoy ni Kylie.


ROBIN-KYLIE-ALJUR CONNECTION? Ngunit hindi kaila na kamakailan lang ay naungkat ang hindi pagkakaunawaan ng mag-amang Kylie at Robin Padilla kaugnay ng unmarried status ng Kapuso actress. 

Nag-ugat ito sa presscon ng Bravo, ang male virility food supplement na iniendorso ni Robin at kapatid niyang si Rommel Padilla, na ginanap sa Black Mamba compound sa Quezon City noong January 30.

Sa bandang dulo ng presscon proper, tinanong ng isang female entertainment editor si Robin kung bibigyan ba nito ng iniendorsong produkto si Aljur Abrenica. 

Si Aljur ay live-in partner ni Kylie at ama ng kanilang six-month-old baby.  

Tanong ng female editor kay Robin: “May nagpapatanong lang. Willing ka raw ba bigyan ng Bravo si Aljur?”

Bahagyang natawa si Robin, pero tila nais niya sanang iwasan ang tanong patungkol sa karelasyon ng anak. 

“Salamat po sa tanong niyo," nangingiti na lang na sabi ni Robin. 

Sabay malamang dugtong niya, "Siguro po, unang-una muna kasal.”

Bago ito ay nabanggit ni Robin na ang iniendorso niyang produkto ay inirerekomenda niya para sa mga mag-asawa.

Ang siste, sina Kylie at Aljur ay nagsasama sa bahay ng Asintado actor nang hindi pa kasal. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaila sa publiko na bukas si Robin sa pagsasabing nais muna niyang makasal sina Kylie at Aljur bago niya tuluyang paboran ang relasyon ng dalawa. 

Tanggap ni Robin ang anak nina Kylie at Aljur. Ilang beses nang nakapag-bonding ang mag-lolo mula nang una silang magkita noong November 2017.

Ngunit sa mga pagkakataong nakakasama ni Robin ang apo ay kapansin-pansing hindi pa nakakasama si Aljur.  

IRKED ROBIN. Pinaniniwalaang ang sore spot na ito sa pagitan ni Robin at ng young couple ang naging mitsa sa pagkainis ni Robin sa presscon ng Bravo.

Nang matapos kasi ang presscon proper, biglang naglabas ng inis si Robin sa isang hindi pinangalanang babae na nang-intriga sa kanya.  

Ayon kay Robin, hindi niya nagustuhan ang pang-iintriga sa kanya sa presscon proper, lalo na't ang iniendorso niyang produkto na dapat sana'y sentro ng usapan ay para sa mag-asawa.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Robin sa mga natirang press at guests sa bulwagan ng venue:  

“Nagmumukha tayong malisyoso dito, e.

“Inimbitahan namin kayo. Magbigay naman tayo ng delicadeza. Bisita tayo dito... At tayo ay nagdiriwang.

"Huwag naman natin haluaan ng showbiz."

Patuloy ni Robin, “Hindi showbiz ang Bravo. Pangangailangan ito ng mga lalaki. Pangangailangan ito ng asawang babae.

“Yun lang ho ang pakiusap namin sa lahat ng mga naimbitahan namin, sa lahat ng mga kaibigan namin, sa lahat ng mga ka-batch namin.

“Huwag ho nating gawing biruan ito. Marami pong salamat.”

Sa puntong ito ay may ilang press at guests, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang naroon sa venue at nakarinig ng pahayag ni Robin.

Noong una ay hindi malinaw kung sino ang "babae" na nang-intriga sa kanya. 

Ngunit pinaniniwalaang may kaugnayan ito sa Q&A portion kung saan pahapyaw na nabanggit si Aljur. 

LOLIT REACTS. Naroon din ang talent manager/veteran entertainment columnist na si Lolit Solis. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabukasan, January 31, kinumpirma ni Lolit na ang kinainisan ni Robin ay ang tanong sa kanya sa Q&A portion tungkol kay Aljur.  

Base ito sa Instagram post ni Lolit na may kalakip niyang pahayag sa nangyaring insidente sa presscon.  

Bahagi ng pahayag ni Lolit: "Kaloka dahil halos wala na reporter nang maglitanya siya, sana ginawa niya iyon habang nandun pa lahat, para naging maliwanag di bah?

"Kung napikon siya sana nagpaliwanag iyon writer, hindi iyon wala na iyong tao saka siya nagsalita, unfair din sa writer na nagtanong.

"Kung ayaw pag-usapan si Aljur di sa umpisa pa lang sinabi na sa mga writer na bawal.

"hay naku kaya nagkakarun ng problema hindi inaayos ng harapan. sa mga ganyang bagay dapat sabihin agad.

"puwede naman hinarap agad, hindi iyong wala na ang tao saka magsalita, unfair din naman sa nagtanong.

"Ayaw ko naman isipin na madali nang uminit ulo ni Robin, pero sana, konting bagay inaayos agad.

"Nasagot na tuloy iyon gusto itanong kung galit siya kay Aljur, dahil banggit lang ng pangalan nito, hayun nagwala na siya."

Naku Salve tapusin ko na Robin Padilla saga ko noh , kasi para bang ok na , hintayin na lang ending . Natawa lang talaga ako kasi nga sa presscon ng Bravo bongga ang talak ni Robin , eh nandun pa ako sa loob nakikipag-usap kay Leah at Rose ng Bravo , akala ko sino inaaway ni Robin lalo na sabi niya babae , kaya talaga nagtanong ako kanino siya galit at bakit ? Nang sabi niya babae daw kaya di niya nasapak , sabi ko sabihin niya , sabunutan ko , hah hah. Kaloka dahil halos wala na reporter nang maglitanya siya , sana ginawa niya iyon habang nandun pa lahat , para naging maliwanag di bah ? Kung napikon siya sana nagpaliwanag iyon writer , hindi iyon wala na iyong tao saka siya nagsalita , unfair din sa writer na nagtanong. Kung ayaw pag usapan si Aljur di sa umpisa pa lang sinabi na sa mga writer na bawal , hay naku kaya nagkakarun ng problema hindi inaayos ng harapan , sa mga ganyan bagay dapat sabihin agad , puwede naman hinarap agad , hindi iyon wala na ang tao saka magsalita , unfair din naman sa nagtanong. Ayaw ko naman isipin na madali ng uminit ulo ni Robin , pero sana , konting bagay inaayos agad. Nasagot na tuloy iyon gusto itanong kung galit siya kay Aljur , dahil banggit lang ng pangalan nito , hayun nagwala na siya. Robin sayang mga ipinaglalaban mo kung matatabunan ng init ng ulo , relax , kailangan ka pa ng Marawi. @robinhoodpadilla #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN