Camille Prats on Regine Velasquez: "The Songbird will never lose her shine."

IMAGE Noel Orsal/Instagram photo of Camille Prats

Camille Prats on Regine Velasquez: "Kung kahanga-hanga siya noon, mas kahanga pa siya ngayon."


Isa si Camille Prats sa maraming fans ni Regine Velasquez na nag-react sa naging pahayag ng Asia's Songbird na “pababa na” ang kanyang kasikatan.

Ngayong Martes, February 6, ni-retweet ni Camille ang artikulo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan sinabi ng Kapuso Diva ang saloobin tungkol sa kanyang showbiz career.

Bahagi ng pahayag ni Regine, “Nandito na ako sa age na ganun, pababa na talaga, accepted ko na yun.”

Mariin naman itong tinutulan ni Camille.

Sabi ng Kapuso actress-TV host, “Sorry but I beg to disagree. The Songbird will never lose her shine.

“She is aging gracefully and with so much Godly wisdom, kung kahanga-hanga siya noon, mas kahanga pa siya ngayon. ”

Marami ang sumang-ayon sa naging reaksiyon ni Camille tungkol sa pahayag ni Regine.

Nang may nagsabing “Regine is Regine,” sumagot ang Mars host ng: “True!!! Whoooh!”

Isa pang netizen ang sumagot sa unang post ni Camille.

Mensahe ng Twitter user na si @ejfabian08, “And with our artists today, I still think no one can beat the songbird..they can make their own mark but not replacing her..”

Sinang-ayunan din ito ni Camille at sinabing, “Nobody sings and performs like her. ”

Nangyari ang pahayag ni Regine sa press conference ng upcoming concert nila nina Ogie Alcasid, Martin Nievera, at Erik Santos, ang #paMORE, noong nakaraang linggo.

Natanong ang mga beteranong singers kung ano ang mararamdaman nila sakaling dumating ang puntong sabihan silang hindi na sila maaaring kumanta.

Bilang sagot, sinabi ni Regine, “Personally, sa akin, nandito na ako sa time ng career ko na ganun na.

“Ako kasi, praktikal ako na tao. At saka nire-recognize ko naman yung pinamalagi ko sa industriyang ito.

“I am very aware of where I am now in this industry.

“Alam ko na hindi na kagaya noong dati. Hindi na ako yung sikat, alam ko na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “I just feel very blessed that I am still given the opportunity to be able to perform, or nasa TV pa rin naman ako.

“Kumbaga, nasa TV pa rin naman ako.

“Pero nandito na ako sa age na ganun, pababa na talaga, accepted ko na yun.

“Mahirap lang yung hindi mo ina-accept, e.

“Kasi, magkakaroon ka ng maraming ilusyon and, at the end, you pressure yourself

“Then, you just get your heart broken.”


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez on losing stardom:
Regine Velasquez on losing stardom: "Accepted ko na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN