Alex Gonzaga on touching Pia Wurtzbach's boobs: "Biro lang naman talaga."

IMAGE Screen grab from ASAP Chillout

Alex Gonzaga maintains that touching the upper part of Pia Wurtbach's chest during their December 2017 guesting on ASAP Chillout was an innocent joke. "Sorry kasi nadala ko yun, kasi ginagawa ko talaga yun sa normal. Like, kay Angeline [Quinto], Angelica Panganiban... E, first time ko nakita si Pia."


Naging trending sa social media ang pagbibirong ginawa ni Alex Gonzaga kay Pia Wurtzbach.

Isang maikling video clip mula sa online show na ASAP Chillout ang kumalat online.

Sa video, nagsasalita si Pia habang ini-interview, samantalang si Alex na katabi niya ay di napigilang pabirong sundutin ang ibabaw ng dibdib ni Miss Universe 2015.

Ang iba ay natawa sa ginawa ng TV host-actress, pero may ilan ding netizens ang na-offend at di nagustuhan ang ginawa nito sa beauty queen.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Alex sa set ng I Can See You Voice, kahapon, February 5, nagpaliwanag siya sa kanyang ginawa.

“Siyempre may mga sensitive na tao na talagang tingin nila nabastos ko,” panimula ni Alex.

“Humihingi ako ng paumanhin sa kanila.

“Saka hindi sa national TV yun, sa online lang yun."

Paliwanag pa niya, “Talagang nahihiwagaan ako talaga. Sa taas lang naman [ng dibdib] saka isang beses lang naman.

“Sorry kasi nadala ko yun, kasi ginagawa ko talaga yun sa normal.

"Like, kay Angeline [Quinto], Angelica Panganiban...

"E, first time ko nakita si Pia."

Dagdag ng kapatid ni Toni Gonzaga, “Mostly lahat naman natutuwa. Natawa naman.

"Pero siyempre, may mga talagang sensitive na tao.

“Naisip ko, pero di naman kasi big deal, kasi kahit mommy ko, lagi kong ginaganun."

Sabi pa ni Alex, “Wala pa namang tumatawag sa akin, MTRCB. 

"Simple lang naman yun, nasa taas lang naman yun."

Humingi rin ba siya ng sorry kay Pia?

Sagot ni Alex, “No, kasi biro lang naman talaga.

“Actually, nagtawanan nga kami after.

"Hindi ko lang alam kung na-offend siya."

PLANS FOR VALENTINE'S DAY. Sa ibang usapin naman, open si Alex na masaya siya sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.

Ano ang balak nila sa nalalapit na Valentine’s Day?

Tugon niya, “Di ko pa alam, pero feeling ko normal, kasi hindi naman kami nagse-celebrate, kahit last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw naming sumabay saka mahal din ang mga bilihin nun, puno ang mga restaurants, so di kami sumasabay.”

Sa tinatakbo ng kanilang relasyon, nakikita kaya ni Alex na maaaring mauwi sa kasalan ang lahat?

“Okay naman kami so far.

“Dapat talaga may chance, kasi kung wala, bakit pa kami nagka-relationship?"

Biro pa ng dalaga, "Mikee, ano ito ha?"

Kinumpirma rin sa amin ni Alex na isang pelikula ang maari nilang pagsamahan nila ng kapatid na si Toni Gonzaga under the direction of Direk Paul Soriano.

“Hopefully yung movie namin ni Ate matuloy.

“Siyempre sobrang excited ako, 'tapos hands on pa kami sa script and of course with Kuya Paul. It’s just away from home yung gagawin namin.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN