Does Karylle feel pressured to get pregnant?

IMAGE Noel Orsal

Plano raw talaga ni Karylle at asawang si Yael Yuzon na huwag muna magkaanak. Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang singer-TV host, ngunit ito raw talaga ang plano nila.


Halos apat na taon nang kasal ang It's Showtime host na si Karylle sa Sponge Cola vocalist na si Yael Yuzon.

March 2014 ikinasal ang dalawa, ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang anak.

Sa isang panayam ay inamin ng ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla na gustung-gusto na niyang magkaapo.

Napi-pressure na ba si Karylle, lalo't hinihiling na ito ng kanyang ina?

Sagot ng 36-year-old singer-actress, “I know a lot of women nowadays are very vocal about how pressured they feel during family reunions, when it comes to Christmas, but I think…

"In the same breath, a lot of women have become more supportive of each other, especially pag same age mo, peers mo, kasi alam mo same issues kayo.

"So, I think it’s kind of, like… It’s like more... you have your support group, kasi everyone’s going through the same thing."

Kuwento pa ni Karylle, "The other day, I was talking to somebody, parang similar age, similar issues, you know.

“It was just so good to have a woman to talk to and parang… can you believe life now?

"Parang… but, 'Oh, my God, it’s nice to have somebody who can understand!'

"So, you kinda give a hug and parang, now, you just suddenly turn to other woman for support.

“So, it’s just kind of nice.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa presscon ng kanyang upcoming Valentine concert, ang Date Night, sa isang restaurant sa Quezon City, kahapon, February 5.

Gaganapin ang kanyang intimate concert sa Valentine's day, February 14, sa Manila House, Bonifacio Global Center, Taguig City.

THE PLAN. Bakit tila may delay ang pagbubuntis niya? Hindi pa ba sila handa maging magulang ni Yael?

Sagot ni Karylle, “Actually, a lot of women would advise not to have kids right away. I have...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That was really the plan.

“Yeah, because… hard to explain, but, yeah.”

May mga babaeng masyadong conscious pagdating sa kanilang mga pigura.

Pero para sa singer-TV host, hindi ito ang dahilan kaya hindi pa siya nagdadalantao hanggang ngayon.

Saad ni Karylle, “No, of course not. It’s not a vanity issue naman.

"Andami namang women na… Maricel Laxa, five kids. Fit as ever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN