Erich Gonzales embraces her sexier image: "'Cause if not, kailan pa?"

IMAGE Noel Orsal / Instagram (Mark Nicdao)

Erich Gonzales has no qualms in showing off more skin. "Sabi ko nga, nasa point na ako ng buhay ko na I just wanna do everything now," she says. 


Hindi na nangingiming magpa-sexy si Erich Gonzales, 27, sa projects man o pictorials dahil nasa tamang edad na raw siya.

Noong 2017, naging calendar girl siya ng isang brand ng alak.

Nakita rin siyang nag-two-piece bikini sa Metro Manila Film Festival entry na Siargao.

Most recently, nag-topless si Erich para sa cover ng isang glossy magazine.

At makikita rin ang pagiging daring niya sa upcoming ABS-CBN prime time teleserye, ang The Blood Sisters.

Paliwanag ng Kapamilya actress tungkol sa mas mature na image, “I think nasa right age naman na po tayo and I feel it’s the right time.

"I’m not getting any younger.

“Sabi ko nga, nasa point na ako ng buhay ko na I just wanna do everything now.

“'Cause if not, kailan pa?”

Nakausap ng entertainment press si Erich sa kanyang solo presscon para sa The Blood Sisters noong February 5, Lunes.

Tungkol sa pagta-topless niya sa Rogue magazine, sinabi ni Erich na ang tanging kundisyon niya ay magkaroon siya ng say tungkol sa konsepto ng pictorial.

“Hindi lang yung kung ano yung concept nila. May say din tayo,” pakli niya.

“Siyempre, kung di ka naman comfortable sa ganun, bakit mo ipipilit [if] it’s just gonna look awkward or bad.

“For me, for as long as okay yung concept na pini-present sa ‘kin, okay naman and comfortable naman tayo gawin yun and feeling mo naman wala namang masama, okay lang.”  

Ukol naman sa The Blood Sisters, napapayag daw siyang maging mature sa kanyang upcoming TV series dahil gusto niyang mas natsa-challenge siya.

“Gusto naman natin laging may mao-offer na iba sa audience natin, may variation, kaya hindi paulit-ulit ang mga projects na ginagawa natin.

“Lagi kong tsina-challenge ang sarili ko kung ano pa yung kaya kong gawin.

“Hindi lang tayo nandun lang sa comfort zone natin.”

Dugtong ni Erich, “Kumbaga, I’m the type of person na talagang magti-take ng risks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If it works, okay.

“If it doesn’t, then okay, you just move on.”

Tungkol naman sa reaksiyon ng mga tao sa kanyang bolder image, ani Erich, “Masaya naman po tayo sa outcome.

“Supportive naman po yung mga tao sa atin, so nagpapasalamat po tayo dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN