Perci Intalan denies Jenine Desiderio stormed the set of My Fairy Tail Love Story

IMAGE Instagram

Director Perci Intalan is impressed with Janella Salvador, lead actress of My Fairy Tail Love Story, for the professionalism she shows amid rumors of rift with mom Jenine Desiderio. He told PEP.ph, "Pagdating sa set ko, okey siya. Kung ano ipagawa ko, gagawin niya. Wala talaga akong reklamo sa kanya."


Nilinaw ng direktor ng My Fairy Tail Love Story na si Perci Intalan ang balitang sumugod sa set ng pelikula si Jenine Desiderio, ina ng bidang aktres na si Janella Salvador.

Ito ay sa gitna ng mga issues tungkol sa hindi pagkakaunawaan umano ng mag-ina.

Leading man ni Janella sa pelikula ang love-team partner at rumored boyfriend nitong si Elmo Magalona.

Nagkaroon ng espekulasyong galit umano si Jenine kay Elmo, at ang binata ang pinaghihinalaang pinatatamaan ng maanghang na posts ni Jenine sa kanyang social media account.

Wala pang inaaming relasyon sina Janella at Elmo, pero dahil sa mga patutsada ni Jenine ay ipinapalagay ng marami na tutol siya sa young actor para sa anak.

Paglilinaw ni Direk Perci, “To be fair, hindi naman dumating si Jenine sa set, ever.

“Never. Kasi nagkatrabaho kami ni Janella sa Moana music video, ako ang nag-direk nun.

“Noon, nandun si Jenine, and wala naman akong problema kay Jenine.

“We kinda worked together kasi noong Mixed Nuts days niya. Ako ang humahawak ng Mixed Nuts, e, kaya nga nag-connect kami sa Moana.”

Ang Mixed Nuts ay isang gag show na ipinalabas sa GMA-7 noong mid-'90s. Kasama si Jenine sa cast na pinagbidahan ni Joey de Leon.

Pagpapatuloy ni Direk Perci, “Ako ang may hawak nun dati, magkatrabaho na tayo. So, okey, cool lang.

“So, no'ng shoot [ng My Fairy Tail Love Story], I was actually not expecting to see her. And she didn't go."

Aware raw si Direk Perci sa isyu ng mag-ina, pero wala raw siyang nakikita kay Janella na problemang iniinda.

“In fairness naman kay Janella, nababalitaan ko, pero wala naman akong nakitang evidence sa performance niya.

“Wala naman akong...wala naman yung may eyebags or anything dahil umiiyak.

“Walang karga kumbaga.

“Pagdating sa set ko, okey siya.

“Kung ano ipagawa ko, gagawin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala talaga akong reklamo sa kanya."

Patuloy ng direktor, “There was this one day because traffic, na-late siya at she really felt bad about it.

“Pero wala yung unusual na late ng two hours, yung mga ganoong level.

“Kaya sabi ko nga, if anybody who says na 'Uy, ang dami siguro ano ni Jea [Janella's nickname] because she was going through a lot...' Wala naman kayong ebidensya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Perci sa pinakahuling presscon para sa My Fairy Tale Love Story noong January 29, Lunes, na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City.

Hindi naniniwala si Direk Perci na maaapektuhan ang box-office appeal ng pelikula ng isyu ni Janella sa kanyang Mommy.

Komento niya, “I don’t think so.

“Honestly, I don’t know kung anong reaksyon ng mga tao doon sa balita.

“Ito lang ang masasabi ko, maganda ang vibes ng movie and I really feel na si Jea...

“Nakikita nyo naman sa social media na nagpu-promote yung bata, masipag naman siya.

“So, I don’t think na may effect [yung issue].”

Tamang-tama ba na light-drama-comedy-romantic movie ang katatampukan ni Janella lalo’t may mga issues siya ngayon?

“Oo. Kasi honestly, kahit naman sa States, kahit yung mga nasa Disney, lahat may controversy.

“Lahat naman...sina Britney Spears, mga Disney yan. Si Christina Aguillera, may mga ganyan na intriga, pero it doesn’t mean na yun yung persona nila doon sa movie, sa project.

“Pero tinatangkilik pa rin naman, Disney na to, a.

“Feeling ko bagay kay Janella, saka inamin naman niya na, at heart, Disney Princess ang peg niya.

“Kita mo yun—singing, dancing, yun yung personality niya.

“Kung anuman ang nangyayari outside the set, I don’t know, pero definitely hindi ko nakikita [on the set].”

Malaking bagay daw na sweet sina Janella at Elmo sa set para mapagaan ang trabaho ng production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo. Sinasabi ko nga, definitely, nakatulong. Hindi ko na problema ang chemistry, di ba?

“Malakas ako sa kilig.

“Ang malaki kong problema kasi sa istorya, magkababata sila, platonic ang relationship.

“So, baliktad na nga, e. Kailangan paniwalain ko yung mga tao na platonic ang relationship nilang dalawa from the start.

“Siguro dahil nagkasama na sila sa Born For You, parang automatic na sa kanila na 'Oy, dito sweet kayo.'”

CHANGING DIRECTORS. Ipinaliwanag ni Direk Perci kung bakit, mula sa kanyang asawang si Direk Jun Lana, nalipat sa kanya ang pagdidirehe ng My Fairy Tail Love Story.

Unang hinawakan ito ni Direk Jun, ngunit hindi pa man ngangalahati ang shoot ay bigla na lang natoka ito kay Direk Perci.

Paliwanag ni Direk Perci, “Ang iniiwasan namin noon was bago maging busy ang sched ni Janella.  

“Kasi ang una niya ay Bloody Crayons. So, nung nag-shoot kami sa Zambales, okey na.

“No'ng magri-reshoot na, naurong ang Bloody Crayons.

“So, naurong, naurong, kasi nag-playdate sila ng July.

“Ang nangyari noon, Jun was committed na gagawin niya ay Ang Dalawang Mrs. Reyes.

“So, magii-start na.

“Ang problem niya, 'Hindi ko kayang pagsabayin kasi once naging available si Janella dikit-dikit ang schedule. E, meron akong Mrs. Reyes.'

“So, nagpasahan.

“'Tutal nandiyan ka naman sa project, nandiyan ka naman sa Zambales bilang producer, kabisado mo na yung material, ikaw na ang sumalo.'

“E, gusto ko naman yung material.”

REMEMBERING DIREK MARYO. Sa panayam ng PEP.ph kay Direk Perci, ibinahagi niya ang isang magandang alaala ukol sa yumaong direktor na si Maryo J. De Los Reyes. 

Ito ay noong sinubukan nilang maipasok bilang official entry ang My Fairy Tail Love Story sa nakaraang 2017 Metro Manila Film Festival.

Kuwento ni Direk Perci, “Unang-una, ipinangako ko kay Mother, 'Mother, submit natin sa Filmfest.'"

Ang Mother na tinutukoy ni Direk Perci ay is Lily Yu Monteverde, may-ari ng Regal Films at prodyuser ng My Fairy Tail Love Story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang promise ko. Pag nakapasok, bahala na.

“Basta gagandahan natin, hahabulin natin ang deadline.”

Isa si Direk Maryo sa miyembro ng Executive Committee na siyang nag-screen ng lahat ng kalahok sa MMFF.

Kuwento pa ni Perci, “Then, no'ng sinubmit na, one night in November, naka-recieve ako ng text message, si Direk Maryo J. 

“Kaya nga it means a lot to me.

“Bigla siyang nagsabi ng, 'You have a beautiful movie, congratulations.'

“Hindi kami nagti-text-an kaya talagang sobrang struck ako.

“Kaya, 'Uy, thank you, Direk.'

“After that nagkita kami about a month later, after naka-select na.

“Sabi ko, 'Direk okey na ako. Naiintindihan ko naman yung selection process.

“'But the fact na nagustuhan mo yung film, the fact that you texted me about it...'

“Saka hindi niya kailangan [mag-text].

“Yung nagandahan lang siya... Hindi ko nga alam na meron siyang number ko kasi hindi kami nagti-text, e.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN