Mark Bautista reveals "intimate" relationship with male friend

IMAGE Mark Bautista Instagram

Sa librong Beyond The Mark ay isisiwalat ng singer na si Mark Bautista ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago sa publiko.


Ilang araw mula ngayon ay magiging available na sa bookstores ang libro ng singer-actor na si Mark Bautista, ang Beyond The Mark.

Ngunit bago pa man matapos ang taong 2017 ay usap-usapan na sa showbiz circles ang nilalaman ng libro na si Mark mismo ang nagsulat.

Sa librong ito raw isisiwalat ng 34-year-old performer ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago sa publiko.

Ngayong Martes, February 6, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng screen grab ng ilang pahina mula sa libro ni Mark.

Bahagi ito ng chapter na may titulong “FRIENDSHIFT.”

Sa mga pahinang ito nakasulat ang naging ugnayan nila ng isang matalik na kaibigan.

Tinawag na “bromance” ni Mark ang closeness nila ng “guy friend” na ito.

Ngunit sa dalawang pagkakataon daw ay bumigay sila sa temptasyon at naging “intimate” sa isa’t isa.

Pagkatapos ng pangalawang pagkakataon ay nangako raw sila sa isa’t isang hindi na nila ito uulitin.

At nagawa naman nilang iwasang maulit ito nang ilang taon.

Hanggang sa malasing sila isang gabi.

ONE DRUNKEN NIGHT. Noong panahong iyon ay may girlfriend daw ang kaibigan ni Mark, at pare-pareho silang um-attend ng party sa isang club.

Halos buong gabi raw ay iniwasan ni Mark at ng kanyang kaibigan ang isa’t isa.

Hanggang sa umuwi na ang kapatid at girlfriend ng kanyang kaibigan.

Naiwan daw silang dalawa at nalasing pareho.

Kuwento ni Mark, “We then got so drunk that I ended up going home with him.

“I spent the night in his house and we became intimate.”

Kinabukasan daw ay nalaman ng girlfriend ng kaibigan niya ang nangyari sa kanila.

Mismong ang kaibigan daw ni Mark ang umamin sa girlfriend nito dahil sa pagkabigla.

Ayon pa kay Mark, “This started a huge drama between the three of us. It became a spectacle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat wala naman daw silang ginawang “anything extreme,” gumawa na raw ng kanya-kanyang kuwento ang mga tao at agad silang hinusgahan.

Mabilis din daw kumalat ang tsismis na ito.

Pero sabi ni Mark, “I kept my silence and allowed myself to be hurt by all the rumors.”

Hindi raw maipagtanggol ni Mark ang sarili dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon.

Ginawa rin daw niya iyon para protektahan ang kaibigan.

Wala rin daw siyang sinabi sa kanilang pinakamalalapit na kaibigan.

Dahil sa sitwasyong iyon ay bigla raw nag-iba ang relasyon ni Mark at ng kaibigan, at maging sa mga iba pa nilang mga kaibigan.

Walang mga pangalang binanggit si Mark sa pagsisiwalat na ito, ngunit marami nang espekulasyon sa katauhan ng kaibigang tinutukoy niya.

May mga lumabas na ring blind items noong posibleng tumutukoy sa nangyari sa kanila ng kaibigan at girlfriend nito.

Maliban dito, marami pang ibang karanasan ang ibinahagi ni Mark sa kanyang librong Beyond The Mark, na inaasahang lubos na magpapakilala sa kung sino talaga siya.

Sa mismong Valentine’s day, February 14, isa si Mark sa guests sa 25th anniversary concert ni Joanna Ampil na Love Wins, sa BGC Arts Center, Maybank Theater.

Ito ang kauna-unahang public appearance ni Mark mula nang pumutok ang balita tungkol sa kanyang libro.

Nagkataon din kayang “Love Wins” ang titulo ng concert dahil sa gagawing pag-amin ni Mark?

Para sa iba pang kuwento tungkol sa libro ni Mark, basahin ang PEP Alerts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN