Mark Bautista answers all rumors, controversies in autobiography

IMAGE Instagram photo of Mark Bautista

Mark Bautista on his autobiography: "For the longest time, hindi ako masyadong open sa personal life ko. Masyado akong tahimik, masyadong safe ako. Even with mga rumors, controversies, never akong nagsasalita. I think, lahat nasa libro, masasagot dun."


Dapat munang basahin ang kabuuan ng Beyond the Mark bago husgahan si Mark Bautista.

Nagiging biktima kasi ngayon ng bashing ang singer-actor dahil sa isang bahagi ng autobiography book, kung saan ipinagtapat niya ang intimate relationship nila ng isang male friend.

Kung babasahin ang umpisa ng Beyond the Mark ng VRJ Books Publishing, Inc., malalaman ng publiko na hindi basta nagdesisyon si Mark na maglabas ng libro tungkol sa buhay niya.

Sa katunayan, marami sa mga rebelasyon ang maaaring makapagbigay ng inspirasyon, liban sa maliit na parte lang ang kuwento tungkol sa kanyang male friend.

Maiintindihan ng mga tao ang pinanggagalingan ni Mark dahil sa traumatic experience niya noong maliit na bata pa siya at ang encouragement ng CNN broadcast journalist na si Anderson Cooper na ibahagi sa publiko ang kanyang inspiring story.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa opening ng Pepi Cubano sa Trinoma noong December 7, 2017.

Dito niya sinabi ang mga dahilan ng paglalabas niya ng memoir.

Pahayag ni Mark, “Actually, nasa London pa lang ako, na-picture out ko na siya, na parang magkakaroon ako ng libro.

“For some reason, doon pa lang, parang may journal na ako na naisulat, pero hindi ko pa alam kung para saan. Isinusulat ko lang.

“Noong nasa Seattle na ako, ginawa ko na yung show [Here Lies Love], dun ko na natapos.

“Ang nag-push sa akin para gumawa ng book... maraming factors para ma-inspire ako na gawin yung memoir.

“Ang libro ko, mas inisip ko na I have a story to tell, and I think it has an important message.

“I think it’s inspiring in a different way, so sabi ko, kailangan ko siya ilabas, kailangan ko ilabas yung book."

Patuloy niya, “Ang difference ng book ko, mas inspiring siya, na I think mas malaman nila yung journey ko, yung struggle, lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I hope na ma-embrace nila yung journey ko, and this is actually more dun sa mga sumuporta sa akin.

“Tribute din sa lahat ng mga tao for the longest time.

“Actually, na-realize ko na fifteen years na pala ako sa show business.

“Siguro, perfect timing, na parang mas makilala ako ng tao.”


LIFE-CHANGING DECISION. Inamin ni Mark na isang life-changing decision ang paglalabas niya ng autobiography book.

“Ang hirap pala gumawa ng memoir,” sabi ng 33-year-old Viva artist.

“Inisip ko yung childhood to present.

“Kinuha ko lang ang mga eksena sa buhay ko na sobrang significant sa akin and sobrang... I feel like importante and makaka-relate ang maraming tao, I hope.

“Yun ang ginawa ko na proseso.

“Ang mahirap lang dahil ang dami kong changes. Medyo particular ako sa mga detalye, na dapat ganito ang pagkasabi.

“Sa akin kasi, mas madali ang magsulat kesa magsalita, kaya gusto ko magsulat.

“Nae-edit ko, nagkakaroon ka ng... puwede kang mag-pause for a moment para mag-isip. Unlike pag interbyuhin ka, dire-diretso.”

Dalawang kabanata sa Beyond The Mark ang itinuturing ni Mark na importante sa kanya dahil tiyak na magbibigay ito ng inspirasyon sa readers.

“Dalawa sa chapters ng libro ang masasabi ko na... May isang mabigat doon na, mabigat pa nga, may isang inspiring.”

Sa palagay ba ni Mark, kapag lumabas ang libro, lalo siyang mamahalin at maiintindihan ng mga tao?

“I don’t know,” sagot niya.

“Hindi ko iniisip na dapat mahalin ako. Dapat lang... Ang gusto ko lang, makilala nila ako in a personal level, na hindi puro surface.

“For the longest time, hindi ako masyadong open sa personal life ko.

“Masyado akong tahimik, masyadong safe ako.

“Even with mga rumors, controversies, never akong nagsasalita.

“I think, lahat nasa libro, masasagot dun.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN