Kris Bernal travels to Iceland with rumored non-showbiz boyfriend

IMAGE Instagram (@krisbernal)

Kris Bernal posts a birthday greeting for her rumored non-showbiz boyfriend.


Unti-unti nang ibinabahagi ng Kapuso actress na si Kris Bernal sa publiko ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sa Instagram post niya kahapon, February 6, ibinahagi ni Kris ang isang larawan kung saan kasama niya ang isang lalaki habang nasa loob sila ng isang restaurant.

Base sa location ng Instagram post, kuha ang larawan sa "Restaurant Reykjavik" na matatagpuan sa bansang Iceland.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang pangalan ng lalaking kasama ni Kris sa larawan ay Perry.

Si Perry ang nababalitang non-showbiz boyfriend ngayon ng Impostora actress.

Ang nilalaman ng caption ni Kris ay pagbati niya sa kaarawan ni Perry.

Mensahe ng Kapuso actress: “Someone whom I can be myself with, someone who I can have pointless conversations with, someone who still adores me even when I’m weird, laughs at my silly jokes and still stands beside me even when I do dumb and stupid things! I want to wish you all the love and happiness in the world. Happy birthday, @cp3xrry”

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal) on

Maliban sa larawang ito, panay solo photos ni Kris na kuha sa iba't ibang lugar sa Iceland ang makikita sa Instagram account ng aktres.

Sa Instagram account naman ni Perry, makikita rin ang mga larawan ni Kris.

Hindi niya ibinunyag ang pagkakakilanlan ng naturang businessman, pero sinabi ng aktres na business partner din niya ito.

Anim na buwan na raw silang nagdi-date noon.

Sinabi man niyang hindi pa sila, mayroon na raw silang mutual understanding.

Ito rin daw ang kasama ni Kris na pumunta sa South Korea noong 2017.

 


Stories We Are Tracking

Kris Bernal admits dating businessman
Kris Bernal admits dating businessman


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN