Pauleen Luna calls out basher of daughter Talitha: "May mga tao talagang madaming hanash!"

IMAGE Noel Orsal

Hindi pinalampas nina Pauleen Luna (nasa larawan), Lolit Solis, at Oyo Sotto ang isang basher na nagkukumpara kay Talitha 'Tali' Sotto sa Eat Bulaga! mainstay na si Ryzza Mae Dizon. 


Ipinagtanggol ng beteranang manunulat at talent manager na si Lolit Solis ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna laban sa isang netizen na nagkumpara kay Talitha sa Eat Bulaga! mainstay na si Ryzza Mae Dizon.

Si Lolit ang talent manager ni Pauleen.

Ayon sa basher, hindi raw kahawig ni Vin—bunsong anak nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa—ang pamangkin nitong si Talitha dahil mas kamukha raw ng huli si Ryzza Mae.

Sa Instagram nitong Lunes, February 5, sinabi ni Lolit na foul naman masyado kung ikumpara ang isang bata sa hitsura ng hindi nito kamag-anak.

Bahagi ng pahayag ni Lolit, “Para maman talaga sa isang nanay, di ba, nakakainis kung sinasabing kamukha ng iba ang anak mo?

“Ok lang kung kamukha mo o kamukha ng tatay, o kamukha ni Ms. Universe o sino pang sikat na artista, pero iyong kani-kanino ikumpara, foul naman di bah!

“Kaya understand ko inis Oyo Boy kapag sinasabi kamukha ni ganito o ni ganyan si Talitha, ang kapatid niya kay Bossing Vic at Pauleen Sotto, hindi sa naiinis siya sa tao ikinu-compare kay Talitha kundi bakit ba kailangan i-compare in the first place?

“Alam nyo mga babies halos lahat iisa hulma, kaya sabi nga isang painter, mga babies daw pinaka madaling i-paint dahil iisa lang features

"Pag laki saka mo makikita ang talagang mukha nila, ang katangian o kung kanino mas may nakuhang features, sa ama o sa ina o sa isa sa mga kapatid.

“Tiyak ko naman, iyon iba may malisya ang pagko-compare, tama na, tigilan na iyan ganyan, ang mga bata angels iyan, hindi dapat sinasali sa intriga.”

Alam mo Salve, para maman talaga sa isang nanay ‘di ba nakakainis kung sinasabing kamukha ng iba ang anak mo ? Ok lang kung kamukha mo o kamukha ng tatay , o kamukha ni Ms. Universe o sino pang sikat na artista , pero iyon kani -kanino ikumpara , foul naman di bah ! Kaya understand ko inis Oyoboy kapag sinasabi kamukha ni ganito o ni ganyan si Talitha , ang kapatid niya kay Bossing Vic at Pauleen Sotto, hindi sa naiinis siya sa tao ikino compare kay Talitha kundi bakit ba kailangan i compare in the first place ? Alam nyo mga babies halos lahat iisa hulma , kaya sabi nga isang painter mga babies daw pinaka madaling I-paint dahil iisa lang features , pag laki saka mo makikita ang talagang mukha nila , ang katangian o kung kanino mas may nakuhang features , sa ama o sa ina o sa isa sa mga kapatid. Tiyak ko naman , iyon iba may malisya ang pagko-compare , tama na , tigilan na iyan ganyan , ang mga bata angels iyan , hindi dapat sinasali sa intriga. Kaya nga I understand kung bakit minsan sumasabog ang galit ni Marian Rivera pag sinasali si Zia sa usapan dahil iba mga bata . Hay naku , basta ako maligaya for Talitha , blessing siya sa buhay ni Bossing at Pauleen , happy angel siya , at sige kayo , magagalit ako di nyo ba alam kaya Talitha malapit sa Lolita , hah hah paglaki niyan monster din tulad ko hah hah ingat kayo , joke joke joke. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Ikinatuwa naman ni Pauleen ang mensahe ng kanyang manager.

Sabi ng TV host-actress sa comment section, “Thank you, nay! Wala naman sigurong nanay ang papayag na kung ano ano sabihin sa anak niya.

“If other people think that Tali looks like Ryzza, no problem. But for me, she’s a combination of her mom and her dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero para mag-comment ng kung ano ano lang, para lang may masabi, at halatang may malisya yung comment, eh hindi naman pwede yun.

“Pati ako nadadamay na, ang daming imbento tungkol sakin. Hay oh well! May mga tao talagang madaming hanash!”


OYO APPEALS TO BASHER. Nauna nang ipinagtanggol ni Oyo ang kapatid na si Talitha laban sa nasabing basher.

Ang Instagram post ni Oyo na larawan ng bunsong anak nila ni Kristine na si Vin, habang natutulog, ang pinagmulan ng isyu.

Nagkomento ang isa niyang follower na sobrang cute ni Vin at hawig daw ito kay Tali.

Ngunit may isang follower din ang humirit ng, “Ang layo naman, ang gwapo gwapo niyan. kitang kita naman ng lahat kung sino kamukha ng anak ni poleng… si ryza mae.”

"Poleng" ang palayaw ni Pauleen.

Kinontra ng isang follower ni Oyo ang basher, at sumunod na nagkomento rito ang anak ni Vic.

Sabi ni Oyo, “Please stop. Tali is my sister.

"Kung yung ibang tao nakikita na may hawig sila ng anak ko, walang problema dun.

"Kanya kanya yan. Tama na. Thank you."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN