Ellen Adarna accidentally shows baby bump on Instagram

IMAGE Screngrab from @maria.elena.adarna Instagram

Kahit pansamantalang tinalikuran ang showbiz, hindi pa rin nami-miss ng kanilang mga tagahanga sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz (kaliwa) dahil sa madalas nilang pagpu-post sa Instagram ng pictures at videos nila. Makikita naman sa larawan sa kanan ang tila lumalaking tiyan ni Ellen, na buntis sa panganay nilang anak ng aktor. 


Habang ini-enjoy nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ang pansamantalang pagtalikod sa mundo ng showbiz, inaabangan naman ng publiko kung kailan nila pormal na aaminin na magiging magulang na sila.

Ngunit pinili nilang hindi muna magsalita.

Idinadaan na lamang ng celebrity couple ang pagbabahagi ng kanilang kasiyahan sa buhay sa pamamagitan ng pagpu-post ng pictures at videos sa Instagram.

Miyerkules ng gabi, February 7, ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram Story ang video habang pinapanood ang nilulutong grilled chicken sa improvised oven na si John Lloyd mismo ang nagtimpla.


(Translation: Nagkat-un nasad-natuto na naman.)

Makikita rin sa video si John Lloyd na nasa likuran ni Ellen.

Makikita namang karga-karga ni Ellen ang alagang aso habang nagsasalita.

Sabi ng sexy star, “Our makeshift oven… what’s for dinner? What’s for dinner?”

Kasunod nito ay bahagyang naibaba ang cellphone camera na nakatutok kay Ellen.

Dito na sumilip ang baby bump ng sexy star.

Panoorin ang video:


Kung susumahin, nasa ika-limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Ellen simula nang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balita ng kanyang pagdadalantao noong November 2017.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa gagawing anunsiyo o statement nina Ellen at John Lloyd tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN