Veteran director Argel Joseph passes away

IMAGE Photo from Facebook

TV and movie director Argel Joseph dies after cardiac arrest. He was 74.


Pumanaw na ang respetadong television at movie director na si Argel Joseph—Angel Cruz sa tunay na buhay—nitong Miyerkules ng tanghali, February 7, dahil sa cardiac arrest.

Siya ay 74 taong gulang.

Nakilala si Direk Argel dahil sa mga idinirek niyang television series at drama anthologies na nagmarka sa mga manonood.

Siya ang nagdirek ng maraming episodes ng Lovingly Yours, Helen, ang dating afternoon drama anthology ng GMA-7. Tumagal ito sa ere ng 16 taon, mula 1980 hanggang 1996.

Siya rin ang nadirek ng film version ng Lovingly Yours, Helen noong 1984, na pinagbidahan Janice de Belen, Sheryl Cruz, Coney Reyes, Chiquito, at Julie Vega.

Ilan pa sa mga programa sa telebisyon na idinirek ni Direk Argel noong '80s ay ang Regal Shocker, Pinoy Thriller, Coney Reyes on Camera, at ang drama anthology ni Princess Punzalan na Princess.

Nagsilbi rin siyang direktor ng TV series na Yagit (1983-1985), Maricel Regal Drama Special (1988-1992), at Mga Kuwento ni Lola Basyang (2007), at Joaquin Bordado (2008).

Sa pelikula naman, idinirek niya ang blockbuster hit ni Fernando Poe, Jr. na Roman Rapido noong 1983.

Ang pinakahuli niyang pelikula ay ang indie movie na Pilantik (2010), na pinagbidahan ni Mon Confiado.

Marami sa kanyang mga huling proyekto ay umere sa TV5, gaya ng mga sumusunod: The Sisters (2011), Felina, Prinsesa ng mga Pusa (2012), ilan sa episodes ng Untold Stories sa Face to Face (2011), Glamorosa (2011-2012), at Cassandra: Warrior Angel (2013).

Naging direktor din siya ng ilang episodes ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman.

Ang mga labi ni Direk Argel ay nakaburol sa Heavenly Memorial Chapel sa Sta. Cruz, Lubao, Pampanga, hanggang February 13.

Samantala, inalala ng scriptwriter at direktor na si Bibeth Orteza ang yumaong direktor sa kanyang Facebook.

Nagbalik-tanaw si Bibeth kung paano siya natulungan ni Direk Argel noong nagsisimula pa lamang siya bilang isang manunulat sa telebisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN