KC Concepcion reacts to parents Sharon and Gabby following each other on Instagram

IMAGE Instagram photo of Gabby Concepcion/Star CInema

KC Concepcion upon seeing dad Gabby Concepcion following her mom Sharon Cuneta on Instagram: "#NeverInMyWildestDreams"


Sumali na rin si KC Concepcion sa kilig fest na dulot ng balitang pagbabalik-tambalan ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sa kanyang Instagram account kagabi, February 8, ibinahagi ng 32-year-old actress ang screenshot ng pag-follow ni Gabby kay Sharon sa Instagram.

“Well played, fam,” sabi ni KC sa caption.

Ginamitan din niya ito ng hashtag na "#NeverInMyWildestDreams"

Nitong mga nakaraang araw, kinilig ang fans ng sikat na love team noong '80s dahil sa sagutan nila sa social media.

Nagsimula ito noong Linggo, February 4, nang mag-post si Gabby sa Instagram ng mga larawan niyang may hawak na bouquet of red roses.

Sa caption, isinulat ng aktor: “When the end approaches, so does the beginning. #goodvibes #10 #20”

When the end approaches, so does the beginning. #goodvibes #10 #20

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby) on

Nag-comment naman dito si Sharon ng: “You naughty! Crazy hahaha No se que!”

Ang “no se que” ay Spanish phrase na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “ewan ko.”


Isang wink emoji naman ang sagot sa kanya ni Gabby. Kasunod nito ay nag-comment ang aktor ng #supernatural #superman.


Samantala, sa comments, makikitang maraming nakapansin sa ginamit ni Gabby na “#10 #20” hashtags.

Ilan sa fans na matagal nang sumusubaybay sa kanilang tambalan ang nagpaalala na ginagamit ito noon nina Sharon at Gabby bilang secret code para sabihin ang “I love you.”


Ginamit din ito ni Sharon sa kanyang post noong Linggo, ngunit baligtad na “#01 #02.”

Tila sagot ito sa post ni Gabby dahil sabi ni Sharon, "Aba aba aba hahaha! In response to someone’s post... hahaha! Swipe left. #02 #01"

Ikinasal sina Sharon at Gabby noong 1984. Ngunit na-annul ito noong 1993.

Si KC ang kanilang nag-iisang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN