Heart Evangelista explains IG post with blurred image of ex-BF Daniel Matsunaga

IMAGE Instagram (@iamhearte)

A recent Instagram post of Heart Evangelista caught the attention of a netizen who observed that Heart's ex-boyfriend, Daniel Matsunaga, is in the background.


Usap-usapan ngayon ang Instagram post ni Heart Evangelista kung saan maaaninag ang ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga.

Nag-post si Heart ng larawan niya, ngunit nakatawag-pansin sa mga nakakita nito ang blurred na kuha ni Daniel sa background.

Makikita rin sa larawan ang eventologist na si Tim Yap na malinaw ang kuha.

Sa comments section, isang netizen ang nagtanong kay Heart kung sinadya ba niyang i-blur ang mukha ni Daniel.

Sagot ng Kapuso actress, “nope pic is really like that ;) we are good friends :)


May isang netizen naman ang nagkomento na ang blur effect ay tinatawag na "Bokeh effect," kung saan ang focus ng camera ay nasa main subject at nagiging blurred ang nasa paligid ng larawan.

Samantala, nagkomento rin ang ina ni Daniel na si Geralda Matsunaga, na tinawag pang “very beautiful” sa wikang Portuguese si Heart.

Sumagot si Heart at sinabing kasama niya si "Dandan" (nickname ni Daniel) sa event.


 

Kuha ang naturang larawan ni Heart sa launching ng pop-up store ng isang brand ng home fragrances sa Greenbelt 5, Makati City, kamakalawa.

Dinaluhan ito ng iba pang celebrities, kagaya ng beauty queens na sina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Bb. Pilipinas-Grand International 2017 Elizabeth Clenci, fashion designer na si Rajo Laurel, at celebrity photographer na si Mark Nicdao.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama sa isang event sina Heart at Daniel pagkatapos nilang mag-break.

Noong 2017 ay nagbatian pa nga ang dating magkasintahan nang magkita sila sa Star Magic Ball.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN