Loisa Andalio on Ronnie Alonte: "Parang di kumpleto ang araw ko pag di ko siya nakikita."

IMAGE Loisa Andalio Instagram

Loisa Andalio says she and Ronnie Alonte are not yet in a relationship, but she feels her day is incomplete without seeing the actor. She told PEP, "Relasyon? Wala pa naman, sa amin kasi what you see is what you get.Di kami nagmamadali, basta ine-enjoy namin yung company ng isa 't isa."


Dinepensahan ni Loisa Andalio ang kapareha at rumored boyfriend niyang si Ronnie Alonte laban sa bashers nito.

Tinutiligsa si Ronnie ng RonLia o Ronnie-Julia Barretto fans at ng SuNie o Sue Ramirez-Ronnie fans.

Ito ay dahil binura ni Ronnie sa kanyang Instagram accounts ang mga larawan kasama ang mga dati niyang kapareha. 

Ang natitira na lamang sa IG account ni Ronnie ay mga larawan nila ni Loisa bilang bago nitong kapareha.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Loisa sa set ng ASAP February 4, sinabi niyang ikinataba ng kanyang puso ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Ronnie.

“Napanood ko yun,” na ang tinutukoy niya ay ang live video sa Instagram Story ni Ronnie kung saan ipinaliwanag nito ang ginawang pagbura ng mga larawan kasama sina Julia at Sue. 

Ayon kay Ronnie, ginawa niya ito upang mag-focus na ang mga tao sa bagong love team nila ni Loisa.

Sabi naman ni Loisa, “Natuwa ako na may gumawa sa akin nun, na ipagtanggol ako, first time nangyari sa akin yun.

“Masaya ako talaga.

"Pero siyempre, hindi ako natutuwa sa mga sinasabi ng mga tao sa kanya, kasi di naman nila kilala si Ronnie.

“Di nila alam kung gaano kabait si Ronnie.

“Di naman nila nakakasama, di nila kilala ang dyina-judge nila.

“Ako yung naaawa sa kanila dahil wala silang alam.”

REAL SCORE. Pero ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ni Ronnie?

Ayon sa kanyang Instagram posts, “Baby” ang tawag ni Loisa kay Ronnie.

Sagot ng dalaga, “Parang di kumpleto ang araw ko pag di ko siya nakikita.

“Ganun ka pag nasanay ka na na yung tao lagi mong nakakasama.

“Relasyon? Wala pa naman, sa amin kasi, what you see is what you get.

“Di kami nagmamadali, basta ini-enjoy namin yung company ng isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya kami sa isa’t isa, wala kaming ginagawang masama.

“Wala kaming tinatapakang tao.

"Kaya kung ano ang ginagawa namin, go kaming dalawa.”

Natutuwa naman si Loisa na nabigyan na ng katuparan ang matagal na niyang hiling na magkasama sila ni Ronnie sa isang proyekto.

Magkatambal sila sa Wansapanataym Presents: Gelli in A Bottle. 

Saad niya, “Masaya, di ba, laging sinasabi na gusto ko magka-work kami? Nangyari naman ngayon.

“Masaya kasi di mo na kailangang mag-pretend na magpakilig.

“Di ba, may mga fans na for the sake of ganyan, magpakilig, at least ako, di ako nahihirapan.

“Parang di ko pinepeke ang sarili ko kaya masaya ako.”

Patuloy pa ni Loisa, “Excited ako, sobrang excited ako kasi lumalabas kami nito [Ronnie].

“Di ko naiisip na baka magkakaeskena kami.

“Ngayon, nangyayari, di ko ine-expect, nakakatuwa.”

Sa darating na Valentine’s Day, may naiisip ba siyang regalong ibibigay sa aktor?

Sagot ni Loisa, “Mayroon, pero sa amin kasi, si Ronnie kasi mas palabigay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN