Sharon Cuneta says husband Sen. Kiko Pangilinan supports her reunion with ex-hubby Gabby Concepcion

IMAGE Screengrab from Facebook video of McDonald's Philippines

How does Senator Kiko Pangilinan feel about the Sharon Cuneta-Gabby Concepcion reunion? Sharon tells fan, "Naku, super secure si Kiko. Supportive!"


Siniguro ni Sharon Cuneta na walang problema sa kanyang mister na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang madalas niyang pagpu-post ngayon ng throwback pictures nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

Simula kasi nang mag-umpisa ang linggong ito, walang tigil sa pagpu-post ang Megastar ng throwback pictures niya kasama si Gabby at anak nilang si KC Concepcion.

Napag-uusapan din sa social media ang mga sagutan nila ni Gabby sa kani-kanilang Instagram accounts.

Maingay rin ngayon ang fans ng Sharon-Gabby loveteam dahil sa reunion project nila—ang Valentine ad para sa isang kilalang fast food chain.

And now... https://youtu.be/_sPqIXqzJNg

A post shared by Coach:TheVoice.phActorSinger (@reallysharoncuneta) on

Dahil dito, hindi naiwasan ng isang netizen na tanungin si Sharon: “Mabuti po di ngseselos c sen kiko. Iba nga tlg 1st love never die the memories, tama po ba?”

Sagot naman ni Sharon: “Naku super secure si Kiko. Supportive!”


FORMER "LABERS". Samantala, kilig din ang hatid sa fans ng comment ni Robin sa isang throwback post ni Sharon kahapon, February 9.

Nag-comment si Robin ng: “Ps i love you.”

Ganito rin ang naging sagot ni Sharon: “P.S. I love you. Hahaha!”

Ang P.S. I Love You ay ang titulo ng pelikulang pinagsamahan nina Sharon at Gabby noong 1981.


Isang netizen ang nag-comment sa sagutan nina Robin at Sharon: “I love it when former lovers stay as good friends.”

Napasagot naman si Sharon dito at tinanong si Robin: “Pssssst... former labers daw? Labers ba tayo noon? Hahahahaha!”


Noong 2017 ay nagkaroon din ng reunion project sina Sharon at Robin, ang pelikulang Unexpectedly Yours, kung saan nakasama nila ang Kapamilya young stars na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Naging sikat ang tambalang Sharon-Robin noong dekada '90 dahil sa pelikulang Maging Sino Ka Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN