Teddy Locsin Jr. still rooting for Alden Richards as Maine Mendoza's leading man in her next movie

IMAGE CNN Philippines (Teddy Locsin, Jr.)/File photo

Teddy Locsin Jr. thinks that Alden Richards should still be Maine Mendoza's leading man in her next movie. "He and Maine hit it off so the timing is perfect. Hard to get it right," he says.


Para sa broadcast journalist na si Teddy Locsin Jr., si Alden Richards pa rin dapat ang makapareha ni Maine Mendoza sa susunod na pelikulang gagawin ng Dubsmash Queen.

Sa kanyang Twitter post noong February 7, sinabi ng Philippine Ambassador to the United Nations na iba pa rin ang chemistry nina Alden at Maine—na kilala sa kanilang phenomenal love team na AlDub.

Ayon kay Teddy Boy: “It is not so much that the actor is really good though he must be that but that he and Maine hit it off so the timing is perfect. Hard to get it right.”

Isang netizen ang sumagot sa kanyang tweet at sinabing gusto niyang si Alden pa rin ang makapareha ni Maine.

Sumang-ayon naman dito si Teddy Boy, “Has to be Alden.”

POLITICAL STUNT? Kasunod nito, tila may babala si Teddy Boy na maaaring magamit si Maine sa isang political agenda.

Aniya, “You can never tell. Some asshole politician’s son may want to assure his election in 2019 and compel a team up of Maine with his idiot progeny and thereby ruin it all for us. Ugh.”

May isang fan na nagsabing ito raw ang sinubukang gawin ng management ni Maine.


Tila wala namang idea tungkol dito si Teddy Boy.

Sagot niya, “Really? They were gonna use Maine for a political stunt, team jump with some defective politician’s more defective progeny? Disgusting.

“They should learn to leave some things unstained for the public to admire and enjoy. Nakadiri sila.”

Sabi pa ni Teddy Boy, "I had no idea that Maine was being held hostage to the ambitions of a mentally challenged politician. Poor Maine.

"Anyway, she is not with friends to the rescue: I think they number 20 million."

Bukod kay Alden ay ipinareha rin si Maine kay Jake Ejercito, anak ni dating Presidente at ngayo'y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, umaasa si Teddy Boy na muling magkasama sina Alden at Maine sa isang pelikula.

Sa kanyang Twitter post noong January 20, sinabi niya, “I am getting impatient for the next Maine attraction in cinemas.”

Bagamat may fans na nagpahayag na kanilang kagustuhang mag-produce ng pelikula para kay Maine, sinabihan sila ni Teddy Boy na maghintay na lamang kaysa magkaroon ng hindi magandang produkto.

Mensahe niya sa fans, “Don’t rush the producers. I know them. A more talented crew I have yet to meet. Leave them at their own pace. She is too important to be rushed into a half-baked movie.”

Noong 2017 ay inilunsad ang tambalan nina Alden at Maine sa pelikulang Imagine You and Me.
Pagkatapos nito ay napanood sila sa teleseryeng Destined To Be Yours.
Nagkaroon din sila ng guest appearance sa Matro Manila Film Festival 2017 entry na Meant To Beh.
Sa ngayon ay patuloy pa rin silang napapanood sa noontime show na Eat Bulaga!, ngunit kapansin-pansing hindi na sila pinagsasama. Nasa studio si Alden, habang palaging nasa barangay si Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN