Ejay Falcon says politics is the furthest thing from his mind: "Wala akong alam sa pulitika."

IMAGE @ejaythefalcon on Instagram

Ejay Falcon talks about his annual Christmas activity in his hometown in Mindoro: "Every year may mga taong nag-aabang na sa akin, namamasko."


Noong nakaraang Kapaskuhan ay nagpaliga si Ejay Falcon at namahagi ng regalo sa mga kababayan niya sa Mindoro.
 
Napag-alaman namin na halos taun-taon pala, tuwing Pasko, ay ginagawa niya ito

“Siguro six years or seven years na yata,” aniya.

“Palaging may ganun, basketball, every December 27 to December 31.”
 
Halos kasisimula pa lang niya sa showbiz ay ginagawa na pala niya ito. 

Unang nakilala si Ejay sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008, at sa sumunod na taon ay isinalang na siya ng ABS-CBN sa acting sa prime-time series na Katorse (2009).

“Ganun talaga e parang every year may mga taong nag-aabang na sa akin, namamasko. 

“Minsan nga, mas naa-appreciate pa nila yun kesa sa mga fiesta.
 
“Inaabangan talaga nila, halos lahat nagpapalista, sasali sa basketball.
 
“After Christmas, umuuwi talaga ako, minsan kahit may mga trabaho pa, tinatanggihan ko para lang magawa ko yun.”

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na nanggaling ang 28-year-old actor sa hirap, at nakakatuwang hindi niya kinakalimutang lumingon sa kanyang pinanggalingan.

Wala ba siyang plano na pasukin ang pulitika sa kanilang lugar?
 
Mariin niyang tugon, “Wala, wala talaga, wala akong alam sa pulitika.

“At saka napakabata ko pa, hindi ko siya naiisip.”
 
Aminado itong may mga humihikayat din sa kanya na tumakbo para sa isang puwesto.

“May mga nagsasabi, may mga nakakausap akong politician, pero hindi, hindi ko pa talaga naiisip. 

“Ni hindi ko nga, parang ayokong masyadong ma-involve sa pulitika.

“Alam ko rin na wala akong sapat na kaalaman diyan, ang gusto ko lang ay maging masaya lang.”
 
CALLING. Pero hindi naman daw sinasarado ni Ejay ang posibilidad na sa tamang panahon ay baka pasukin nito ang pulitika.
 
Aniya, “Oo, siyempre, kasi minsan, calling yun, ‘di ba?

“Ang pag-aartista ko nga, hindi ko naman pinangarap noong una, pero biglang dumating.

“Mararamdaman mo naman sa sarili mo kapag alam mong kaya mo na, gusto mo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kapag tinawag ka na para maging obligasyon mo na ‘tong gawin, yun na, doon ka na magdedesisyon.”

Sa ngayon raw, malaking fulfillment na sa kaniya ang ginagawa niya sa Mindoro.
 
Lahad ni Ejay, “Masayang nakikita ang mga tao, masarap din sa pakiramdam na nakakapagpasaya ka ng mga tao.”
 
Inspirasyon din ang nangyari sa buhay niya sa ilang kabataan sa kanila, hindi ba?
 
Nahihiyang tugon niya, “Nakikita ko naman at saka naririnig ko rin naman na, well, siguro nga, naging inspirasyon.

"Masarap talagang maka-inspire ng mga tao.”
 
 Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. kamakailan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN