Julie Anne San Jose clueless how she and Benjamin Alves will celebrate Valentine's Day

IMAGE @myjaps on Instagram

Julie Anne San Jose also talks about how Benjamin Alves loves to surprise her.


Ilang araw na lang at Valentine’s Day na. 

Noong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne San Jose kamakailan lang, wala pa raw silang napag-uusapan o napagpaplanuhan ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na plano nilang gawin ngayong Valentine’s Day.

Wala rin naman daw siyang ideal date.

“Actually, wala po akong ideal, e,” ang natawa niyang sabi.

“Kasi the more na nagpaplano ka, the more na nauudlot, e. Kumbaga, mas importante na magkasama kayo. Yun naman talaga ang importante.

Unang taon daw na magkasama sila ni Benjamin sa Valentine’s Day ay noong February 2017.

Paano nila ito isinelebreyt?

“Una po kasi, magkasama kaming nag-guest sa Unang Hirit. Siyempre, ang aga-aga po nun. Nagpu-promote po kami ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa at that time.

“And then, after that, we went out, then the whole day, magkasama na kami.”

Ayon kay Julie Anne, mahilig daw magbigay ng surpresa si Benjamin.

Ano pala ang pinaka-bonggang surpresa nito sa kanya?

“Surprise? Marami kasi... I mean, every now and then naman nagsu-surprise siya.  For example, last concert, sa Cebu, nagpadala po siya ng flowers.

“Hindi ko po alam kung saan galing yung flowers, pero galing po sa kanya yung flowers. 

"Hindi ko alam kung saan po niya nakuha.

"'Tapos yun po, may staff na nagsabi sa akin na, for you, yun, surprise,” kuwento niya.

Bagamat wala pa silang inaamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon, hindi naman na maitatanggi na inspired si Julie Anne.

Mas masarap bang kumanta kapag inspirado siya, mas nakakahugot?

“I think, mas nakaka-inspire kumanta kapag nasa climax ka ng emotion mo.  Whether super happy or super sad or super heartbroken or super in love.

“I mean, lahat naman ng emotions talaga pumapasok sa thought na mas masarap kumanta kapag ganito ang nararamdaman mo.”

May theme song ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang wala po, pero more on poems po siguro. Ma-poem po kasi siya, ako naman makanta.”

Napag-uusapan nga raw nilang dalawa na mag-collaborate.  Si Benjamin ang susulat at siya naman ang maglalapat ng melody.

“Sa ngayon, wala pa po but I think he’s working on something that he really wants.  Hopefully, makagawa po kami ng something.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN