Samantha Lopez on life after divorce: "Walang katumbas na presyo ang kalayaan ko ngayon."

Samantha Lopez on life after divorce from British husband Warren Edwards: "I always say this sa mga nag-i-interview sa akin na freedom is priceless. Kaya kahit wala akong nakuha kahit singkong duling sa divorce ko, it's okay. Walang katumbas na presyo ang kalayaan ko ngayon."


Panibagong buhay ang hinarap ng aktres na si Samantha Lopez noong ma-divorce siya sa kanyang British husband na si Warren Edwards noong 2015.

Ayon kay Samantha, mas naa-appreciate niya ang kalayaan niya ngayon.

Mas masaya raw siya ngayon at wala siyang pagsisisi sa ginawa niyang pag-walkout sa marriage niya.

“I always say this sa mga nag-i-interview sa akin na freedom is priceless.

“Yun lang ang tanging hiniling ko when I divorced my husband. I wanted to be free.

“Kaya kahit wala akong nakuha kahit singkong duling sa divorce ko, it’s okay.

“Walang katumbas na presyo ang kalayaan ko ngayon.

“Mas masaya ako at heto nagtatrabaho ako ulit sa TV,” pahayag ni Samantha nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch ng GMA teleserye na The Stepdaughters noong nakaraang February 2 sa Prime Hotel sa Quezon City.

FALLING OUT OF LOVE. Ang naging dahilan daw ng kanilang paghihiwalay ay “irreconcilable differences.”

Taong 2012 pa noong magdesisyon si Samantha na iwan ang kanyang mister.

Kuwento ni Samantha, “It actually took me three years bago ako nagkaroon ng lakas na iwan ang marriage ko.

“Lagi ko na lang iniisip na baka may mabago sa pagsasama namin.

“I was praying that things will change eventually.

“Mahal ko ang mister ko. Pero habang tumatagal, I was falling out of love.

“I was praying to God that things will change kasi I want to save our marriage.

“Pero wala pa rin, e. I was slowly losing my love for him.

“Habang nandoon pa ang respect namin sa isa’t isa, I finally decided to just leave.

“So one day, pumasok pa nga ako sa office.

“Pag-uwi ko, I just packed a small bag and I left the house and I never went back.”

UNFULFILLED WISH. Ayon naman kay Samantha, maayos ang pagsasama nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang lahat daw ng gawain ng isang wife ay ginagawa niya, mula sa pag-grocery, pagluto, pag-alaga sa dalawang aso nila at pag-asikaso sa mga pangangailangan ng kanyang mister.

Isa lang daw kasi ang hiniling ni Samantha sa kanyang mister at iyon ay ang magkaroon sila ng isang anak.

Lahad niya, “Yun lang ang request ko sa kanya, pero umayaw siya.

“He was divorced from his first wife kasi.

“Masyado siyang na-drain doon financially and emotionally.

“He doesn’t want to go through that anymore.

“Doon na ako nag-isip kung mahal ba niya ako.

“Kasi kung talagang mahal niya ako, he would want us to have our own child.

“Pero ayaw niya. Tama na raw na he has a kid from his previous marriage.

“That kinda changed everything sa pagsasama namin.”

NO DIVORCE CLAIMS. Si Warren daw ang gumastos para sa divorce nila. Wala raw nakuha si Samantha kundi ang hinihiling niyang kalayaan.

“I signed a prenup bago kami ikasal. Gano’n ako ka-in love noon sa kanya.

“So I am not entitled to anything noong ma-finalize ang divorce namin.

“Ultimo ang dalawang aso namin nasa custody niya. Pero may visitation rights ako sa mga dogs namin.

“But it’s okay. Survivor ako, di ba? Tsaka freedom is enough for me.

“Ngayon I can do anything I want without asking permission from anyone.

“Kaya nga nandito ako ngayon and doing the teleserye The Stepdaughters.

“The last time I was here was 2016 pa. I did the teleserye Bakit Manipis Ang Ulap? for TV5.

“Now I am back for good! Kaya bring it on!” malakas na tawa pa ni Samantha.

HAPPY WITH GRANDSON. Ang naging magandang kapalit daw ng lahat ng sakripisyo ni Samantha ay ang magkaroon siya ng apo mula sa kanyang anak na si Kaye.

Baby boy ang apo ni Samantha na ang pangalan ay Lucas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naku, don’t call me lola. Call me mamita!

“Mahal na mahal ko ang apo ko. He’s one of the reasons kung bakit bumalik ang sigla ko sa pagtrabaho.

“Every time na makakasama ko ang apo ko, naku, heaven ang pakiramdam!

“Worth it ang lahat ng mga pinagdaanan kong hirap at sakripisyo.

“Nag-iba ang mundo ko when Lucas came into our lives.

“Nabago ang lahat ng priorities ko.

“Happy ako to be a mother pero mas fulfilling pala to be a mamita!” tawa pa niya.

LOVE OR COMPANIONSHIP? Handa pa bang ma-in love ulit si Samantha?

“Naku, I’m already 48 years old. Mamita na ako. Parang hindi na tumitibok ang puso ko!

“Well, kung sakaling mag-decide akong mag-boyfriend ulit, ayoko ng bata.

“Gusto ko kasing-edad ko or older.

“Companionship na ang habol ko.

“Someone who I can grow old with,” ngiti pa niya.

EARLY YEARS. Sa mga hindi nakakakilala kay Samantha Lopez, una siyang nakilala bilang round girl ng Eat Bulaga gamit ang pangalan na Gracia noong 1994.

Ang tunay niyang pangalan ay Jessica Cortez.

Noong 1996, nagbida si Samantha sa Mia Gracia, isang afternoon teleserye na produced ng TAPE Inc. 

Lumabas din siya sa ilang comedy films tulad ng Ang Tipo Kong Lalake, Ang Misis Kong Hoodlum, Tong-Its, Wanted: Perfect Mother, Baliktaran: Si Ace at si Daisy at Isang Tanong Isang Sagot.

Ginawa rin ni Samantha ang mga sexy-dramatic roles sa mga pelikulang Sutla, Mister Mo Lover Ko, Phone Sex, Sidhi, Pagnanasa at Marital Rape.

Napasama din si Samantha sa cast ng mga teleserye ng GMA-7 na Basahang Ginto (2010) at Time Of My Life (2011).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN