Liberty Boys wax nostalgic at reunion dinner

IMAGE Edgar Mande Facebook page

The Liberty Boys—the group of '80s actors comprised of (L-R) Rey "PJ" Abellana, Edgar Mande, Lito Pimentel, and Patrick dela Rosa—recently had a reunion dinner. They were called Liberty Boys because they all shared an apartment in Liberty Ave., Cubao, Quezon City during the height of their showbiz careers.


Nagkaroon ng reunion kamakailan ang grupo ng Liberty Boys na binubuo nina Rey “PJ” Abellana, Edgar Mande, Lito Pimentel at Patrick dela Rosa.

Pinost ni Edgar Mande sa kanyang Facebook account ang reunion nila nitong nakaraang Huwebes, Pebrero 8, sa Saisaki Megamall kasama ang iba pang mga kaibigan nilang aktor.

Ang Liberty Boys ay grupo ng guwapong actors na sumikat noong ‘80s.

Noong mga panahong iyon, ang kanilang manager ay ang entertainment columnist na si Alfie Lorenzo, na yumao noong Agosto 2017.

Kaya Liberty Boys ang tawag sa kanila ay dahil magkakasama silang nakatira sa isang apartment sa Liberty Street sa Cubao, Quezon City.

Ang Liberty Boys ang madalas na malagay sa cover at centerfold ng mga fan magazines noong ‘80s. Madalas ay sexy ang tema ng mga pictorials nila.

PATRICK. Ang unang sumikat sa Liberty Boys ay si Patrick dela Rosa na nakilala dahil naging commercial model ito ng Close-Up toothpaste.

Ni-launch siya bilang leading man ng Regal Films noong 1983 sa pelikulang Shame, katambal ng yumaong bold star na si Claudia Zobel na nakasama pa niya sa dalawa pang pelikula, ang Uhaw Sa Pag-ibig at Sinner Or Saint.

Sunud-sunod ang ginawang bold movies ni Patrick noong dekada na iyon tulad ng Harot, Take Home Girls, Bedtime Story, Bed Sins, Climax, White Slavery at Katawan Ni Sofia.

Pagpasok ng ‘90s, naging kontrabida naman siya sa mga action movies tulad ng Baril Matalik Kong Kaibigan, Ibabaon Kita Sa Lupa, Barbaro Santo, Kontra Puwersa, Sgt. Gabo Boga, Apoy Sa Lupang Hinirang, Tikboy Tikas, Suspek, Kapag Kumulo Ang Dugo at marami pang iba.

Noong 2010 ay nakulong si Patrick dahil sa panggagahasa raw nito diumano sa isang 20-year old student.

PJ. Naging leading man naman ng maraming sikat na aktres noong ‘80s si Rey “PJ” Abellana na unang nakilala dahil sa soap drama ng Channel 7 na Anna Liza noong 1980.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-loveteam niya sa naturang show ay si Leni Santos.

Nagtambal sila ni Leni sa mga pelikulang Sa Ngalan Ng Anak (1983), Mga Ibong Pipit (1983), Iiyak Ka Rin (1983), Goodah (1984), The Punks (1984) at Forward March (1987).

Naka-partner din ni PJ ang tulad nila Snooky Serna sa mga pelikulang Daddy Knows Best (1983), Daddy’s Little Darlings (1984), Dear Mama (1984) at Zuma (1985).

Nakatrabaho din ni PJ si Sharon Cuneta sa pelikulang Bukas Luluhod And Mga Tala (1984), Pati Ba Pintig Ng Puso (1985), Pasan Ko Ang Daigdig (1987) at Oras-Oras, Araw-Araw (1989).

Gumawa rin ng ilang sexy movies si PJ noong ‘90s tulad ng Sana Kahit Minsan, Karanasan: The Claudia Zobel Story, Kakaibang Karisma, Halimuyak Ng Babae, Virgin Island, May Gatas Pa Sa Labi, Siya’y Nagdadalaga, Hayop Sa Ganda, Pisil, Kalaro, Molata, Birthday Gift 2, Blondie 2, Kirot Sa Dibdib at Makamundo.

Aktibo pa rin si PJ sa pag-arte at lumabas siya sa mga teleserye na Gaano Kita Kamahal, Langit Sa Piling Mo, Rubi, Juanita Banana, Dahil Sa Pag-ibig, Bukas Na Lang Kita Mamahalin, More Than Words, Because Of You, Trops at Alyas Robin Hood.

Si PJ ang ama ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

LITO. Ang pinaka-serious na aktor among the Liberty Boys ay si Lito Pimentel.

Una siyang lumabas sa mga critically-acclaimed films na Moral (1982) at Broken Marriage (1983).

Pamangkin si Lito ng yumaong game show host na si Pepe Pimentel.

Ang ilang pang mga serious dramatic roles ni Lito ay ang Hindi Kita Malimot, Totoy Saudi, Miguelito: Batang Rebelde, Gabi Na Kumander, Tagos Ng Dugo, Lord Bakit Ako Pa? at Kapag Napagod Ang Puso kunsaan nanalo siya ng Best Supporting Actor award mula sa Gawad Urian.

Naging epektibong komedyante rin si Lito at ginawa niya ang mga sex comedies na Sex Education, Lover’s Delight, Flavor of the Month, Mga Paru-Parong Buking, Erpat Kong Forgets at Stupid Cupid.

Napapanood pa rin sa TV si Lito sa mga teleserye ng ABS-CBN tulad ng Sa Puso Ko’y Iingatan Ka, Basta’t Kasama Kita, Gulong Ng Palad, Ysabella, My Girl, May Bukas Pa, Juanita Banana, Guns & Roses, Reputasyon, Kahit Puso’y Masugatan, Kailangan Ko’y Ikaw, Dugong Buhay, Juan dela Cruz, Be Careful With My Heart, Bridges of Love, Langis at Tubig, Magpahanggang Wakas, Asintado at Bagani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EDGAR. Si Edgar Mande ang pinakatahimik pero may pinakamalakas na sex appeal sa Liberty Boys.
Una siyang lumabas sa soap drama na Anna Liza.

Nabigyan agad ito ng break sa paggawa ng pelikula at nabigyan siya ng magagandang roles sa mga pelikulang School Girls, Galawgaw, Boystown, Mother Dear, Iiyak Ka Rin at Summer Holiday.

Pinasok din ni Edgar ang pagpapa-sexy sa pelikula at lumabas siya sa mga ‘80s bold movies na Kirot, Angkinin Mo Ako, Uhaw Sa Pag-ibig, Naiibang Hayop, Short Time, Hanguin Mo Ako Sa Putik, Sex Education, Take Home Girls, Ligaw Na Bunga, Sanay at Kailan Tama Ang Mali.

Naging kontrabida rin si Edgar sa mga action movies na Task Force Habagat, Patayin si Billy Zapanta, Adan Ronquillo, Ang Titser Kong Pogi, Geron Olivar, Iukit Mo Sa Bala, Relax Ka Lang… Sagot Kita, Batas Ang Katapat Mo, Tapatan Ng Tapang, Batas Ko Ang Uusig, Palaban, Kilabot at Kembot at marami pang iba.

Naging inactive si Edgar sa showbiz mula noong 2004 dahil tumira ito sa San Diego, California.

Umuwi siya nitong nakaraang January 2018 para ihatid dito sa Pilipinas ang mga labi ng kanyang yumaong ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN