PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Ballesteros no plans of writing tell-all memoir

Paolo Ballesteros dreams of writing a book about his makeup transformations
by Jojo Gabinete
Published Apr 29, 2018 | Updated Feb 11, 2018
Unlike Mark Bautista whose controversial revelations generated a lot of buzz for his soon-to-be-released autobiography, Beyond The Mark, Paolo Ballesteros prefers to publish a compilation of his amazing makeup transformations: "Actually, ang gusto kong gawin before pa is yung compilation ng mga makeup transformations ko. Kaya lang, wala pa akong makitang time."

Unlike Mark Bautista, wala sa plano ni Paolo Ballesteros na maglabas ng “tell-all” autobiography.

Pero kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, mas gugustuhin niyang magkaroon ng libro tungkol sa kanyang expertise, ang makeup transformation.

Lahad niya, “Actually, ang gusto kong gawin before pa is yung compilation ng mga makeup transformations ko.

“Kaya lang, wala pa akong makitang time.

“Gusto ko, ako lahat ang gagawa, ako ang magpi-picture, uulit ka sa lahat.

“Memeykapan ko ang sarili ko, medyo mahaba-habang time, e.

“Medyo busy kaya naurong."

Bakit ayaw niya gumawa ng autobiography?

“Kailangan pa ba na i-reveal?

“Ako kasi, lalo kaming mga Dabarkads, araw-araw n'yo kami na napapanood sa TV.

“Most of the time, yung araw namin, nasa TV lang.

“Kumbaga, kung ano yung nakikita n'yo sa Eat Bulaga, yun na 'yon.

“Hindi ka puwedeng magkunwari doon,” diin ni Paolo nang interbyuhin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Amnesia Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mapag-usapan ang pag-amin ni Mark na bisexual ito, sinabi ni Paolo na bilib siya sa singer-actor.

Pahayag niya, “Hindi dapat i-judge si Mark.

“Ang tapang niya nga kasi sinabi niya.

“In a way, parang, kebs ko.

“Ako nga patumpik-tumpik, pa-joke-joke eh pero siya, isinulat pa niya sa libro.

“Siguro kasi nagtrabaho siya sa New York.

“Siguro, doon niya nakilala ang sarili niya kasi yung mga tao sa New York, sobrang open, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unlike Mark Bautista whose controversial revelations generated a lot of buzz for his soon-to-be-released autobiography, Beyond The Mark, Paolo Ballesteros prefers to publish a compilation of his amazing makeup transformations: "Actually, ang gusto kong gawin before pa is yung compilation ng mga makeup transformations ko. Kaya lang, wala pa akong makitang time."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results