Garie Concepcion explains why half-sister KC has been inactive in showbiz

IMAGE Instagram

Garie Concepcion explains why her half-sister KC Concepcion has been very low-key in showbiz lately: "Si Ate, it's her choice to focus on UN first and her businesses. Siyempre nandun na siya sa age niya where she wants to take it slow. But I know she will be back also."


Itinanggi ni Garie Concepcion na may mga hinanakit ang half-sister niyang si KC Concepcion sa acting career nito o sa nakaraang relasyon nila ni Piolo Pascual kaya minabuti nitong magpahinga muna sa showbiz.

Sina Garie at KC ay mga anak ni Gabby Concepcion.

Ang ina ni Garie ay ang negosyanteng si Grace Ibuna, habang si KC ay anak ng aktor sa una nitong asawa na si Sharon Cuneta.

Paglilinaw ni Garie, “Hindi po, iba lang po talaga yung focus ni Ate ngayon.

“Iba yung gusto niya ngayon. She will always be there naman.

"Kung merong magandang solid project, alam kong babalik at babalik si Ate."

Mukhang mas aktibo ngayon sa showbiz si Garie kaysa kay KC na matagal nang hindi umaarte.

Komento ni Garie, “I think dumarating lang yung opportunities sa akin.

“Si Ate, it’s her choice to focus on UN first and her businesses.

“Siyempre nandun na siya sa age niya where she wants to take it slow.

“But I know she will be back also.”

Kapag nagkakausap daw sina Garie at KC, wala sa topic nila ang pamamahinga nito sa showbiz.

Sabi ng singer-actress, “Para po kaming best friend ni Ate.

“Minsan, the most random na nangyari sa araw, napag-uusapan namin.

“Hindi po kami nagkakausap nang madalas, pero kapag nagkita at nagkausap kami, akala mo nagkita lang kami kahapon.

“Naiipon yung kuwento. Masaya, masayang kasama.”

May mga social media post si KC na mapapaisip ang ibang baka may na-experience siyang hindi maganda kaya tumigil muna siya sa pag-aartista or sa love life.

Komento ni Garie, “Hindi naman po.

“Iba lang po talaga yung priorities ni Ate. Parang nag-shift siya ng... nag-iba po talaga.

“Pero babalik at babalik po siya. Para sa mga fans niya na naghihintay sa kanya, she will be back.”

KC TYING THE KNOT SOON? Napangiti si Garie sa usap-usapang malapit na raw pakasal si KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po alam, siya ang nakakaalam po nun. Mabait po si Aly.”

Si Aly Borromeo, former team captain ng Philippine Azkals football team, ang boyfriend ni KC.

“Si Aly, parang he’ll always be there for you. Very supportive sila sa isa’t isa.

“Very genuine yung love nila sa isa’t isa.

“Nasa kanila na po yun [kasal].

“Ang napag-uusapan lang po namin ay yung plano niya sa sarili niya.

Siyempre, nandun yung she wants to settle down, have a family of her own.

“Ang dami pang gustong gawin ni Ate. Parang hindi sya nagmamadali.

“Siguro kung napi-feel nilang dalawa na puwede na… kung saan naman po masaya si Ate.

“Saka okey naman si Aly.”

ATE'S ADVICE. Nagbibigay ba si KC ng advice kay Garie tungkol sa pag-aartista nito?

Mabilis na sagot ni Garie, “Sabi niya lang, 'Just enjoy it.'

“Ganun lang po. Nag-e-enjoy po talaga ako.

“Matagal na ako, seven years na po ako sa industry, pero ngayon lang po dumarating yung blessings.

“Sabi ko nga po, I think all in God’s plan.

“Sabi siguro ni God, 'Mag-ready ka muna, mag-aral ka muna.'

“Siguro napi-feel niya na ready na ako, at nagpapasalamat naman ako na doors are opening for me.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Garie sa taping ng La Luna Sangre noong nakaraang buwan.

Limang buwan nang umaarte para sa La Luna Sangre si Garie.

Ayon kay Garie, isang magandang opportunity ang mapabilang siya sa top-rated action-suspense teleserye na ito ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Lahad niya, “Matagal kong hinintay na magka-serye sa channel 2, hindi ko na pinaglagpas ang chance.

“Ngayon po, nag-e-enjoy po talaga ako.

“Right now, dito po tayo dinadala ng opportunity, sa larangan ng acting.

“So, okey naman po ako, kasi I studied acting in the States.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga po ako nawala for two years ulit, di ba?

“And then, bumalik po ako.

“Nag-release kami ng album, then nag-workshop pa rin po ako dito.

“Tapos na po ako ng college, HRIM [Hotel Restaurant Institution Management] major in Tourism.

“Nag-short course lang po ako ng acting for film sa States.”

Ayon kay Garie, pinayagan na siya ng kanyang inang pumalaot sa showbiz mula noong makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.

Sabi pa ni Garie, “Opo, supportive naman po siya.

“Ang hiniling lang po niya sa akin noon, mabigyan ko siya ng college diploma.

“And nung nabigyan ko na siya noon, hinayaan niya na akong gawin ang gusto kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN