KC Concepcion to dad Gabby Concepcion: "Don't ever leave again."

IMAGE Instagram

KC Concepcion leaves a cryptic message on dad Gabby Concepcion's Instagram post of his photo with KC's mom, Sharon Cuneta.


Hindi mapigilang mag-react ni KC Concepcion sa recent social media posts ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Naging maugong ang pagbabalik-tambalan nina Sharon at Gabby para sa commercial ng isang kilalang fast-food chain.

Mula sa pagiging sikat na onscreen partners noong ‘80s, nauwi sa pag-iibigan at pagpapakasal ang tambalan nina Sharon at Gabby.

Pero pagkatapos lang ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, nauwi ito sa hiwalayan.

Si KC, 32, ang nag-iisa nilang anak.

Sa Instagram post ng kanyang amang si Gabby ng larawan nito kasama si Sharon, nag-iwan ng makahulugang mensahe si KC

Sabi niya, “Don’t ever leave again.”


Nakapukaw naman ng damdamin ng maraming netizens ang mensaheng ito ni KC.



Nagkomento rin si KC sa Instagram post ni Gabby ng maiksing video nila ni Sharon.

Ayon kay KC, magkatulad ang kanyang mga magulang na nagbi-video ng “priceless moments.”


Sumagot naman dito si Sharon, na nagsabing malaki dapat ang pasasalamat ni KC sa kanyang mga magulang dahil marami siyang larawan dahil sa kanila.

Tinawag pa ng Megastar na "cute" ang ex-husband, na namana raw ni KC. 

“But your papi was soooo having fun selfie-ing his selfies! Cute like you mija! Hahaha! I diezveinte you so much Quisteena!”

Ang "diezveinte" o 10-20 ay ang code noon nina Sharon at Gabby para sa “I love you.”


 


Stories We Are Tracking

Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN