Tom Rodriguez finally answers speculations about his manhood

IMAGE Mark Atienza

Tom Rodriguez on speculations about his manhood: "Nai-exaggerate lang siguro. Pero I'm just a normal dude, I'm a normal guy. I'm not different from any other guy. Siguro may mga tricks lang na naituro sa akin ng mga kaibigan na nasanay na sa ganung industriya."


Nagsalita na si Tom Rodriguez tungkol sa matagal nang usap-usapan tungkol sa kanyang kargada.

Sa dalawang beses niyang pagrampa sa Bench denim and underwear fashion show, naging malaking katanungan at naging sentro ng debate kung totoo bang “extraordinary” ang kargada ng Kapuso actor.

Hindi kasi makapaniwala ang ilan dahil, kumpara sa ibang mga artistang rumampa, kapansin-pansin ang kakaibang laki ng hinaharap ni Tom.

May ilan din namang nagsasabing hindi ito kataka-taka dahil may dugong Amerikano ang 30-year-old actor.


Para tapusin na ang isyu, nilinaw ni Tom ang mga haka-haka tungkol dito.

Pahayag niya, “Nai-exaggerate lang siguro.

“Pero I’m just a normal dude, I’m a normal guy. I’m not different from any other guy.

“Siguro may mga tricks lang na naituro sa akin ng mga kaibigan na nasanay na sa ganung industriya. 

“May spray na na-try ko. Pero I won’t have to anymore because…”

May ilang nagsasabing peke ang bukol ni Tom. May inilagay lang daw ito sa loob ng kanyang underwear para magmukhang malaki.

Komento ng Kapuso actor tungkol dito, “Nothing physical na ano…”

Hindi ba siya naku-conscious na pati ibang mga lalaki ay kinaiinggitan siya dahil sa kanyang kargada?

Sagot ni Tom, “Hindi, because for me, hindi ako nagpapadala sa ganun.

“Like I said, it could be exaggerated.

“Like, sa case ko, I sprayed some stuff that some friends gave me, it worked for me.

“Maybe that doesn’t work for other people. Pero that’s a wrong barometer.

“Kaya nga sabi ko kay Popoy [Caritativo, his manager], I might not wanna do it again.

“It’s giving the wrong impression to people na…

“I wouldn’t want na parang ipi-pressure mo ang sarili mo, ipi-pressure mo yung ibang mga kalalakihan din.”     

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa presscon ng bago niyang pelikula, ang The Significant Other, na ginanap sa Higher Grounds Café, Diliman, Quezon City, nitong Linggo, February 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOES SIZE MATTER? Sa pelikula ay pag-aagawan si Tom ng kanyang leading ladies na sina Lovi Poe at Erich Gonzales.

Sinabi ng aktor na nakaka-boost ng machismo ang thought na pinag-aagawan siya ng dalawang babaeng magaganda at sexy pa.

Dahil dito, tinanong siya kung nakaka-boost din ba ng pagkalalaki kapag sinasabing malaki ang kargada niya.

Mabilis niyang tugon, “A, hindi rin, e. 

“Like I said, biology naming mga lalaki, hindi mo maku-control ‘yan.

"Iba-iba ‘yan, e. You have good days or bad days.

"Other days, you’re a grower. Other days, you’re… that’s out of control. 

“Kaya nga it’s kinda unfair, kasi this type of ano na ipinapatong sa aming mga kalalakihan, kasi hindi naman namin mababago.

“Kung ano yung ibinigay sa amin, yun ang meron kami.

“Hindi kami puwedeng pumunta sa doktor, ‘Puwede bang…’" pagtukoy niya sa penis enlargement o reduction.

Patuloy ni Tom, “Mahirap para sa akin… out of sight, out of my mind. I try not to think about it.

“Kasi kung seseryosohin ko, doon ko ilalagay yung atensiyon ko, baka mas maraming aspeto ng buhay na mas importante.”

GOING FRONTAL. Hindi ba siya naiilang na rumampa nang naka-underwear lang?

Sagot ni Tom, “Hindi na. Like I said, nakitaan na ako ng mga ibang make-up artist sa ibang underwear pictorial. 

“May point dati noong college, lagi akong nagpu-pose nude for our class.

"Kasi wala kaming budget for a model. So, kami-kami. 

“Either sa mga nakakausap namin, we ask them if they’d like to sit for us a model.

“Minsan, ako talaga yung pumunta doon, and you’re standing there, minsan four hours, two hours, depende sa mga poses…

“Nakatayo ka doon, hubo’t hubad, minsan malamig pa ang aircon. 

“After a while, nawawala na rin yung ano…

“Kaya nga kapag tinatanong ako kung willing akong mag-frontal, sa akin, walang issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung kakayanin ng nanay ko… yun lang yun.”

Papayag kaya ang girlfriend niyang si Carla Abellana?

“Siyempre, I have to talk to her about it,” sagot ni Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN