Mike Tan opens up about private wedding with longtime GF

IMAGE Instagram @iamnoelferrer / Noel Orsal

Mike Tan on settling down: "Kasi ang gusto ko sa amin, bago ko gawin, gusto ko handa ako. Sabi ko nga, physically, mentally, spiritually matured ako, at kaya ko nang tanggapin lahat ng responsibilities na darating sa buhay namin. Kung mabuntis man siya, handa rin ako, especially financially."


Sa kauna-unahang pagkakataon, kinumpirma ni Mike Tan na ikinasal na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend sa Villa Milagros ancestral house sa Rodriguez, Rizal, noong January 22, 2018.

Tanging mga pamilya at malalapit na kaibigan ang imbitado sa kasal, kaya hindi na raw inanunsiyo ng Kapuso actor ang tungkol dito.

Lalo pa't umpisa pa lang daw ng kanilang relasyon ay sinikap na nilang maging pribado upang maiwasan ang kung anumang isyu.

Sa usaping kasal, paliwanag ni Mike, “Yun kasi ang choice niya bilang tao. Sabi ko nga, very private siya.

“Ayaw niya ng bonggang kasal. Ayaw niya ng may camera na kasal.

"Yung wedding, no cameras talaga yun. As in, kung kayang respetuhin ng mga um-attend.

"Talagang cameraman lang kumukuha ng mga nangyari sa wedding.

“Yung mga kaibigan naman namin, nag-picture sila, pero hanggang ngayon hawak pa rin nila yung mga pictures, hindi nila nilalabas.

"At kung nagpu-post man sila, sila lang.

“Ini-honor ko lang din kung anong gustong mangyari ng soon-to be wife ko, na wife ko na ngayon.”

Ayon kay Mike, sa sobrang pribado ng kanyang kasal, inimbita lang niya ang mga kaibigang tiga-showbiz isang linggo bago ang okasyon.

Dahil biglaan ang pag-imbita niya, isa lang daw sa mga inimbita niyang showbiz personality ang nakarating.

Kaya't nakaramdam si Mike ng kaunting panghihinayang noong araw ng kanyang kasal.

Sabi pa ng Kapuso actor, “Pero humingi na lang din ako ng paumanhin sa kanila kasi mas ni-prioritize namin family namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike pagkatapos ng presscon proper ng bagong Kapuso drama series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Quezon City, Lunes ng tanghali, February 12.

CHILDHOOD CRUSH. Pagkatapos nito, ikinuwento ni Mike na noong 2017 siya nag-propose sa kanyang girlfriend of 12 years.

Pero kung tutuusin, 10 years old pa lang daw si Mike ay “crush” na niya ang kanyang naging misis ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una raw silang nagkakilala sa isang Catholic chapel.

Artista na siya nang sa wakas ay naglakas-loob siyang manligaw sa dalaga. 

Lahad ni Mike, “After StarStruck na kasi yun, e. So, matagal na.

"Yung panliligaw naman, palagi siyang intent, pero hindi siya nangyayari.

“Kung wala kang trabaho, wala kang karapatang manligaw.

“Kasi kung wala kang sariling cash, anong gagamitin mo? Pera ng parents mo?

“Well, hindi rin naman kasi ako galing sa maykayang pamilya, so ganun yung way of thinking ko siguro.”

Siyam na beses daw tumanggi ang dalagang makipag-date sa kanya.

Sa ika-sampung beses na inaya raw ni Mike na mag-date ang dalaga ay saka lang ito pumayag.

“The rest is history,” nakangiting sambit ng aktor.

Ano ang pinakanagustuhan niyang katangian nito?

Sagot ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka actor, “Yung personality niya, at the same time, she's smart.

“Hindi ka mabu-bored pag kausap mo siya. Yun yung hinahanap ko.”

Pero pakiramdam ni Mike ay “God’s timing” ang nag-udyok sa kanyang pakasalan na ang girlfriend. 

“Kasi yung mga hinahanap mo naman sa isang babae, never naman darating sa ‘yo, e.

"Kung saan ka lang, kung ano lang yung ibinigay ni God, yun ang mangyayari."

READY FOR FAMILY LIFE. Sa edad na 31, kumpiyansa si Mike na kaya niyang bumuo ng sariling pamilya.

“Siguro sa tagal namin, matagal ko na rin siyang pinaghahandaan.

“Kasi ang gusto ko sa amin, bago ko gawin, gusto ko handa ako.

"Sabi ko nga, physically, mentally, spiritually matured ako, at kaya ko nang tanggapin lahat ng responsibilities na darating sa buhay namin.

“Kung mabuntis man siya, handa rin ako, especially financially.”

Sa ngayon, nakabukod sila sa condo unit ni Mike.

Plano ba nilang magkaanak agad?

Sagot ni Mike, “Nasa proseso po.

"Well, as much as possible, hindi naman na kami ganun kabata.

"So, kung kaya, kung ibibigay na agad ni God, tatanggapin namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN