Jessy Mendiola laughs off "nose job" comment

IMAGE Instagram photo of Jessy Mendiola

Jessy Mendiola responds to a netizen who claimed the actress had a nose job: "Hindi po ako nagpagawa ng ilong."


Tinawanan lang ni Jessy Mendiola ang komento ng isang netizen na nadismaya sa diumano'y pagpaparetoke niya ng ilong.

Sa Instagram post ni Jessy kahapon, February 12, sabi ng IG user na si @hellowinnieme, “Mas gusto ko yung ung mukha mo dati. hindi ko type pagkagawa ng ilong mo. sana di mo na pinagalaw. Nag matured ka tuloy, just saying.”

Sagot dito ng 25-year-old Kapamilya actress, “Hindi po ako nagpagawa ng ilong.”

Isang netizen naman ang tila hindi kumbinsido sa naging sagot ni Jessy at sinabing, “Sure po?? Ganda naman.”

Sagot muli ng aktres, “Yup, very sure. I won't lie about it naman if ever.”


Tila sanay na si Jessy sa mga ganitong klaseng komento tungkol sa kanyang physical appearance.

Madalas din siyang makatanggap ng pangungutya sa kanyang pangangatawan noon.

Sa katunayan, minsan na rin siyang nagsalita tungkol sa body-shaming.

Pahayag ni Jessy, "My body may not be perfect but that will not stop me from being confident with myself.

"I've had my fair share of body shaming comments.

"Well, just to inform some of you 'PERFECT' people.

“We all come in different sizes and shapes but that shouldn't stop us from being happy with our own bodies."


Stories We Are Tracking

Jessy Mendiola's IG post about body-shaming comments is WOW!
Jessy Mendiola's IG post about body-shaming comments is WOW!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN