Joanna Ampil commends Mark Bautista's bravery for coming out

IMAGE Arniel Serato / Instagram

Joanna Ampil on Mark Bautista's coming out: "I wasn't surprised 'coz I am hearing things already. Pero hindi ko naman puwedeng sabihin na yun na yung paniniwalaan ko, kasi hindi naman nanggagaling sa actual person."


Suportado ng acclaimed theater singer-actress na si Joanna Ampil ang matalik na kaibigang si Mark Bautista sa ginawa nitong pagpapakatotoo tungkol sa kanyang gender preference.

Sa pamamagitan ng kanyang autobiography na Beyond The Mark, umamin si Mark na isa siyang bisexual.

Pag-amin pa ng singer-actor, "I love both sexes."


Stories We Are Tracking

Mark Bautista reveals intimate relationship with male friend
Mark Bautista reveals intimate relationship with male friend
Mark Bautista answers rumors, controversies in autobiography
Mark Bautista answers rumors, controversies in autobiography
Mark Bautista denies viral letter is part of his book
Mark Bautista denies viral letter is part of his book

Ayon kay Joanna, bago ang ginawang rebelasyon ni Mark ay hindi siya naghinala tungkol sa kasarian ng kaibigan.

Saad ng Metro Manila Film Festival 2017 Best Actress, “You know, mahirap mag-assume.

"Kasi, you know, marami kang naririnig, pero it’s never confirmed until you hear it from the horse’s mouth.

“And Mark opened up to me.

"I wasn’t surprised 'coz I am hearing things already.

"Pero hindi ko naman puwedeng sabihin na yun na yung paniniwalaan ko, kasi hindi naman nanggagaling sa actual person.

"So, nung sinabi niya sa akin, I’m like, ‘Okay, well, that’s free of you to actually mention.’”

Saludo raw siya sa katapangan ni Mark dahil wala itong alinlangang ipaalam sa publiko kung sino talaga siya.

Pahayag ni Joanna, “He came up with his book, and I completely admire the guy, you know, that he’s brave enough to expose himself in that way.

“And of course, sa Pilipinas, marami rin namang medyo magba-bash nang a little bit.

"You know, they kinda use this as a weapon or ammunition against him, which is such a shame.

“But mas marami tayo sigurong nagsu-support sa kanya, and I think that’s what he should focus on.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joanna sa isang restaurant sa Greenhills, San Juan City, Lunes ng hapon, February 12.

LOVE WINS. Ngayong Valentine’s Day, February 14, isa si Mark sa mga guest ni Joanna sa kanyang Love Wins concert.

Natakot ba siyang hindi na itutuloy ni Mark ang pagge-guest nito sa kanyang concert pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa gender preference ng singer-actor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Joanna, “Nag-worry lang siya sa akin.

"Actually, more than anything, nag-worry siya sa akin.

“He’s a true friend. He was worried na, ‘Baka ma-affect yung show mo kasi magkaroon ng focus sa iba.’

“Sabi ko, ‘You know what, Mark, it doesn’t matter. At the end of the day, masaya ako na makasama kita sa concert.'

"This is more of a celebration of love, you know, we're supporting each other here. We’re supporting our fellow artists na nasa show.

"At saka yung mga tao, manonood ‘yan kasi gusto nilang makinig ng music. Ultimately, that’s what it is."

Dagdag pa niya, “Kung may mga taong gusto ring makita si Mark, that’s fine.

"Hindi naman natin masasabi kung ano talaga yung objective nila in coming to the concert.

"So, okay lang yun."

Ano ang maaasahan sa kanyang concert?

Sabi ni Joanna, “Repertoire? We have an amazing repertoire.

"Minake sure namin na ito yung gusto ng mga taong marinig.

“May mga musicals din na nagawa ko in the past na isasali namin dun.

"At tsaka may OPM, maraming OPM.

“A lot of Ryan Cayabyab’s music. Ryan is the composer of Larawan, so marami kaming songs ni Ryan.

“Mga songs na favorite ko na Tagalog. It’s gonna be quite intimate and quite personal.”

Gaganapin ang Love Wins sa BGC Arts Center, Bonifacio Global City, Taguig City.

MESSAGE FOR MARK. Sa pamamagitan ng Instagram ay nag-iwan din ng mensahe si Joanna para kay Mark.

Pahayag ng Miss Saigon actress, “I am so proud of you @iammarkbautista and I cannot wait for your book to be released so everyone can see the bigger picture.

"Amidst the noise and the judgements by some people, I have the highest respect for you for being so brave and putting your innermost being out there. You have my full support. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am looking forward to singing with you on Heart’s Day my darling friend.... we’re going to have the best time. Love you, Mark!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN