Vice Ganda recounts 'most painful' moment of his life: "Akala ko talaga mamamatay na ako."

IMAGE Facebook

Vice Ganda on realization after his most painful experience: "Isang magandang-magandang rason lang ang nakita ko kung bakit hindi dapat matapos ang buhay ko, kasi ang sarap-sarap ng life."


Ibinahagi ni Vice Ganda ang matinding sakit na kanyang naranasan nang maoperahan dahil sa kidney stones higit isang linggo na ang nakalilipas.

Pagkatapos maospital at makapagpahinga, bumalik na ang komedyante sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, nitong Lunes, February 12.

Ikinuwento ng 41-anyos comedian-TV host ang pinagdaanan bago siya maoperahan.

Nangyari raw ito noong February 2, Biyernes.

“Two Fridays ago, sobrang sakit, as in galing akong Showtime, pauwi na ako ng bahay, nasa Ortigas na ‘ko,” simula ni Vice.

Pagdating sa bahay, naranasan daw niya ang matinding pananakit ng kanyang tagiliran.

“Biglang yung sakit, hindi ko siya naramdaman yung konting sakit, tapos sumakit nang sumakit, walang ganun.

“As in, masakit na masakit, 1,000 percent agad.

“Tapos pagsigaw ko, yung staff ko, natutulog sa harapan ko.

"So, sumigaw ako, humingi ako ng tulong, pero walang lumabas sa bibig ko.

“Seryoso. Pag nilalakasan ko, lalong sakit.

“Sa Ingles, excruciating, akala ko talaga mamamatay na ako,” lahad niya.

“I CANNOT DIE.” Isinugod daw ng kanyang mga kasamahan si Vice sa ospital.

Sa puntong iyon, nakuha pa niyang magbiro tungkol sa pinagdaanan.

“As in ang sakit, sakit, sakit, sakit, sobra.

“Pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko.

“Mas masakit pa sa nakasalubong mo yung ex mo na may dyowa na siya, tapos masaya sila.”  

Kuwento pa ni Vice, hindi tumalab sa kanya ang morphine kaya sinaksakan siya ng mas matapang na painkiller.

“Dun ko na-realize na, ‘My God, I cannot die.’

"Akala ko kasi mamamatay na ako, e.

“Pero I cannot die. I don’t wanna die.

“Hindi sa hindi ako handang mamatay.

"Ayoko pa palang mamatay kasi ang sarap pa ng buhay. Ang sarap ng buhay.”

Dugtong niya, “Isang magandang-magandang rason lang ang nakita ko kung bakit hindi dapat matapos ang buhay ko, kasi ang sarap-sarap ng life.

“Let’s embrace our lives, enjoy our blessings from pinakamaliit hanggang pinakamalaki, at magpasalamat tayo araw-araw.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN