Nathalie Hart admits very intense relationship with foreigner BF

IMAGE Noel Orsal / Instagram @imnathaliehart (inset)

Nathalie Hart on relationship with her Indian boyfriend whom she did not name: "Kasi kung hindi siya patient, patay siya! Sense of humor talaga nagustuhan ko. Kasi there are times na I'm a very intense person. Tapos, lagi ko siyang inaaway. Inaaway din niya ako. Tapos, mamaya-maya, papatawanin na niya ako. Bati na ulit kami. Wala nang usapan."


Aminado si Nathalie Hart, 25, na siya ang tipo ng girlfriend na selosa.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Nathalie kung paanong minsan ay kinumpronta niya ang kanyang Indian boyfriend. 

“Hindi ako subtle, e. In your face ako.

"Parang, ‘Uy! Bakit mo ginawa ‘yan? Tinatago mo sa akin? Kapal ng mukha mo, ha! Punyeta ka!'

“Siyempre nasa-shock siya. Tina-translate ko na lang sa English.”

Paano niya in-English ang ginamit niyang cuss word?

Kuwelang sabi ni Nathalie, “Maintindihan na niya yun. Spanish kemberlu!”

Patuloy ng dalaga, “Imbiyerna talaga ako.

"Tapos sabi niya, ‘My god, you’re exploding.’

"Sabi ko, ‘Of course! Tse! Huwag mo akong lokohin!’"

ZODIAC SIGN. Saka ipinaliwanag ni Nathalie na sadyang malakas ang personalidad niya.

“If you’re familiar with astrology, I’m an Aries. I really believe in that.

"My sign is very fiery and I’m Year of the Monkey.”

April 14, 1992 ipinanganak si Nathalie, kaya ang kanyang Western zodiac ay Aries at sa Chinese zodiac ay Year of the Monkey.

“Year of the Monkey is like spontaneous and mental in some ways, walang pakialam, very hard-headed.

"So, I think it’s a mixture as well," sabi niya.

Nakapanayam ng PEP.ph si Nathalie at ang Sin Island co-star niyang si Coleen Garcia sa shoot ng PEP Facebook Live, na ginanap sa PEP office ngayong Martes, February 13.

Naroon din sa shoot ang Indian boyfriend ni Nathalie, pero tumanggi ang dalagang pangalanan ito.

BRINGING HER BF TO WORK. Naisama na rin daw ni Nathalie ang boyfriend sa set ng Sin Island, ang pelikulang pinagbibidahan nila nina Coleen at Xian Lim.

Ayon kay Nathalie, ito ang paraan niya upang ipakita sa nobyo na wala itong dahilan para magselos o mag-isip ng kung anuman sa takbo ng trabaho sa showbiz.

“Kasi hindi niya maintindihan trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, for me, it's important rin na ipakita ko rin kung anong ginagawa ko, what’s behind the scenes, at saka kung paano ako mag-interact with the people I work with.

“Hindi lang siya parang masasabi na, ‘Okay, kissing scene, may partner ka, gumagawa ka ng pelikula, iba-ibang partner mong lalaki…’

“Hindi naman ibig sabihin nun, pinagpapasa-pasahan ka na or something.

"It’s just that you’re playing a character. He has to understand that that character and you is different."

Naintindihan na ba ng boyfriend ni Nathalie ang kanyang trabaho?

Sagot ng sexy actress, "Yeah. Sabi niya, 'My god, what a job!'"

Compatible naman daw sila ng boyfriend dahil “very funny, very smart, at very patient” ang binata.

Nasasakyan daw nila ang ugali ng isa't isa.

“Kasi kung hindi siya patient, patay siya!

"Sense of humor talaga nagustuhan ko.

"Kasi, there are times na I'm a very intense person. 

“Tapos lagi ko siyang inaaway. Inaaway din niya ako.

"Tapos mamaya-maya, papatawanin na niya ako. Bati na ulit kami. Wala nang usapan.

“So, I think the chemistry is very important.

"Kasi, kapag naiintindihan niyo na ang isa’t isa, hindi niyo na kailangan i-explain, ine-elaborate so many things.

"It’s so tiring."

VALENTINE DATE. Sa huli, pakuwelang nagparinig si Nathalie sa nobyo na sana ay maging memorable ang kanilang Valentine date bukas, February 14.

Sabi ni Nathalie, “Wala pa akong fulfilling na Valentine’s! I don’t have a very great Valentine date yet!

"I’ve never experienced a great one, so maybe tomorrow it would be a very special moment of my life.”

Hindi malinaw kung narinig ng kanyang Spanish boyfriend ang tinuran ng sexy actress.

Sabi na lang niya, “Napaparinig kasi ako. Ewan ko lang. Buti na lang di siya marunong mag-Tagalog!”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN