Angelica Panganiban on giving her ex-BF a second chance: "Kung huhusayan niya."

IMAGE Noel Orsal

Angelica Panganiban answers netizen who asked if she's willing to give her ex-boyfriend a second chance.


Magkakasunod ang hugot ni Angelica Panganiban tungkol sa pag-ibig sa kanyang recent social media posts.

Nitong Lunes, February 12, nag-promote si Angelica via Instagram ng libro kung saan siya ang nagsulat ng foreword.

Sa caption, may pagtukoy ang aktres sa kanyang mga “ex.” 

Mensahe niya: “Wala ka bang date ngayong Valentine’s Day? Eto na lang kaya pag tripan natin? Bumili tayo ng libro. Tapos maglaro tayo. Ng feelings. Yung parang ginawa lang din ng mga EX natin.”

Dahil sa post niyang ito, isang netizen sa Twitter ang nagtanong kay Angelica kung posibleng bigyan niya ng second chance ang dating boyfriend.

Tweet ng netizen: "naniniwala ka ba na may second chance si #Ex?"

Sagot ng 31-year-old actress: “Kung huhusayan niya.”

Hindi pinangalanan ng netizen kung sinong “ex” ni Angelica ang kanyang tinutukoy.

Sunud-sunod naman ang pag-reply ng mga netizen at itinutukso ang aktres sa dating boyfriend nitong si Carlo Aquino.

Parehong single ngayon ang dalawa.

Bukod kay Carlo, ang dalawa pang naging nobyo ni Angelica mula sa showbiz ay sina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz. 

Noong February 11, Linggo, isang hugot din ang isinagot ni Angelica sa isang comment ng netizen hinggil sa volleyball.

Ikinatuwa ng netizens ang pagiging fan ni Angelica ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP Women’s Volleyball.

Nagpunta pa siya sa Filoil Flying V Centre, sa San Juan City, para suportahan ang kanyang team. 

Dahil sa pagiging solid fan ni Angelica, nag-tweet ang netizen at sinabing puwedeng bigyan ng ultimate fan award ang aktres.

Sagot ni Angelica rito: “Oo naman! Kapag ako nagmahal, pangmatagalan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN