Enrique Gil, Xian Lim, Jak Roberto, Joshua Garcia post Valentine messages for their special ladies

IMAGE (Clockwise from upper left) Instagram photos of Kim Chiu, Joshua Garcia, Jak Roberto, and Enrique Gi

Xian Lim, Joshua Garcia, Jak Roberto, and Enrique Gil took to Instagram to greet their respective special someone on Valentine's Day—Kim Chiu, Julia Barretto, Barbie Forteza, and Liza Soberano.


Hindi nagpahuli ang heartthrobs na sina Enrique Gil, Jak Roberto, Joshua Garcia, at Xian Lim sa pagpapakilig sa kanilang mga minamahal ngayong Valentine's Day.

Gamit ang kani-kanilang Instagram account, nag-post ang mga binatang aktor ng kanilang matatamis at nakakakilig na mensahe sa kanilang rumored girlfriends.

JOSHUA'S BABY. Kilala si Joshua Garcia sa paghahanda ng malalaking sorpresa para sa kanyang ka-love team at rumored girlfriend na si Julia Barretto.

Kaya naman sa bisperas ng Valentine's Day, isang sorpresa muli ang inihanda ng binatang aktor para sa dalagang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla—isang dinner date sa garden, na pinalibutan ng mga kandila at heart-shaped balloons.

Pero bukod sa pasabog na ito ni Joshua, mas kinilig ang JoshLia fans nang tawagin niyang “baby” si Julia sa kanyang Instagram post.

happy valentines baby

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on


Stories We Are Tracking

Julia Barretto goes on date with Joshua Garcia
Julia Barretto goes on date with Joshua Garcia

ENRIQUE'S FOREVER. Isang sweet photo naman ang ipinost ni Enrique Gil sa Instagram para sa Valentine's Day greeting sa kanyang ka-love team na si Liza Soberano.

Ang larawan kung saan makikitang magkayakap silang dalawa ay kuha mula sa Europe trip nila noong 2017.

Kinilig ang fans nang sabihin ni Enrique kay Liza na, “Ikaw na talaga ang forever ko, i love you”

Sa panayam ng entertainment reporters kay Enrique sa isang event kahapon, February 13, hindi pa rin niya tuwirang tinukoy ang estado ng relasyon nila ng kanyang Bagani leading lady.

Ang tanging paglalarawan lang niya sa estado nila ni Liza ay “Parang kami na...”


Stories We Are Tracking

Enrique confident about status of relationship with Liza
Enrique confident about status of relationship with Liza

XIAN'S PUZZLE SOLVER. Isa pang napapabalitang magkarelasyon na ngayon ay sina Xian Lim at Kim Chiu.

Kaya naman hindi rin naiwasang kiligin ang KimXi fans sa Valentine's Day greeting ni Xian kay Kim.

Sabi ng Sin Island actor sa caption ng larawan nilang dalawa ni Kim, “Ang galing mo siguro sa puzzles, kasi umaga pa lang buo na araw ko. Good morning! HAPPY ARAW NG MGA PUSO!!! @chinitaprincess.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kasunod pa itong Instagram post mula naman kay Kim, na nagsabi kung gaano siya ka-proud sa pagbabago ni Xian bilang aktor.

Bagamat magkaiba na ang talent management na humahawak ng kanilang showbiz career, siniguro ng Kapamilya stars na patuloy pa rin silang magiging malapit sa isa't isa.


Stories We Are Tracking

Kim surprised by Xian's decision to transfer to Viva
Kim surprised by Xian's decision to transfer to Viva

JAK'S PRETTIEST GIRL. Kasama rin ang Kapuso actor na si Jak Roberto sa mga nag-post ng nakakakilig na mensahe sa kanyang minamahal.

Madalas sa mga interbyu, malihim si Jak tungkol sa kanyang love life.


Stories We Are Tracking

Jak Roberto echoes Barbie Forteza's wish:
Jak Roberto echoes Barbie Forteza's wish: "Sana magtagal."

Pero ngayong Valentine's Day, isang post ang dedicated para sa kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

Ang post ay magkakasamang videos at photos nila ni Barbie, na labis ikinatuwa ng JakBie fans.

Sa caption, sabi ni Jak, “To the coziest, bungisngis and pretiest girl na nakilala ko. Happy Valentine's Day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN