Did Angelica Panganiban and Carlo Aquino go out on V-Day?

IMAGE Noel Orsal

"Hinusayan," says Angelica Panganiban after receiving a bouquet of white flowers from Carlo Aquino.


Tuwa at kilig ang naramdaman ng fans nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino nang makita ang Instagram Story ng aktres nitong Valentine's Day, February 14.

Nag-post kasi si Angelica ng isang bouquet ng white flowers, na bigay ng kanyang ex-boyfriend na si Carlo.

Nakasulat pa rito ang mensahe niya sa aktor: "Hinusayan. 1point ka sakin @liwanag11"


Samantala, sa Instagram story naman ni Carlo, makikita na hawak niya ang librong Para Kay Ex, kung saan tampok si Angelica sa cover.

Sa background ay makikita ang aktres.


Kasunod nito ay isang video kung saan makikitang pinipirmahan ni Angelica ang libro.


Mapapansing kuha ang video sa isang restaurant at maririnig sa background na may iba pa silang kasama.

Bago ang mga ito, natuwa rin ang fans sa sagutan nina Angelica at Carlo sa Twitter.

Unang nag-post si Carlo kung saan sinabi niya, "Valentine's day lang. walang Happy. ????"

Sagot naman sa kanya ni Angelica, "Aysus. Emo ka."

Sa huling panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Carlo na pinahahalagahan niya ngayon ang pagiging magkaibigan nila ng kanyang ex-girlfriend.

Nang tanungin kung may posibilidad na maging sila ulit, sagot ni Carlo, "Ayaw ko naman isarado yung ganung possibility.

“Pero sa ngayon, hindi pa kasi tsine-cherish ko yung friendship namin."


Stories We Are Tracking

Is Carlo Aquino's tweet alluding to Angelica Panganiban?
Is Carlo Aquino's tweet alluding to Angelica Panganiban?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN