Ellen Adarna bids Instagram goodbye with "It's hard to let go" post

by Arniel C. Serato
Feb 15, 2018
Nag-deactivate ng kanyang Instagram account ang sexy actress na si Ellen Adarna. Paniwala ng netizens, paraan daw ito ni Ellen upang makaiwas sa mga intriga.

Nag-deactivate ng kanyang Instagram account si Ellen Adarna sa mismong Valentine's Day, February 14.


Pinaniwalaang paraan ito ni Ellen upang makaiwas na sa mga intrigang ikinakabit sa bawat post niya sa kanyang IG account.

Bago mag-deactivate ng kanyang account ang sexy star, mayroon na siyang 3.2 million followers.

Kapansin-pansin naman ang huli niyang post sa Instagram stories bago siya mag-deactivate noong gabi ng February 13.

Continue reading below ↓

Ito ay excerpt ng video ng 1999 Hollywood film na Meet Joe Black.

Bahagi ng in-upload ni Ellen ang eksena nina Brad Pitt at Anthony Hopkins kung saan nag-uusap ang dalawa tungkol sa pagli-let go.

Tanong ng karakter ni Hopkins kay Pitt: “It's hard to let go, isn't it?"


Sagot ng karakter ni Pitt: "Yes, it is, Bill."

Continue reading below ↓


Tugon naman ni Hopkins: “Well, that's life.”


Continue reading below ↓

Wala mang direktang sinabi si Ellen kung ano ang ibig niyang tukuyin sa kanyang post, may nagsasabing tila patama ito sa ex-girlfriend ng boyfriend na si John Lloyd Cruz na hindi pa rin maka-move on sa kanilang hiwalayan.

May mga nagsasabi ring sagot daw ito ni Ellen kay Angelica Panganiban sa post ng huli tungkol sa librong Para Kay Ex, na ang aktres ang sumulat ng pangunang mensahe.

Nakasaad sa Instagram post ni Angelica noong February 13: "Wala ka bang date ngayong Valentine's day? Eto na lang kaya pagtripan natin? Bumili tayo ng libro. Tapos maglaro tayo. Ng feelings. Yung parang ginawa lang din ng mga EX natin."

Kasalukuyang nasa Palawan sina John Lloyd at Ellen.

Pinaniniwalaang doon sila nakabili ng lupa na pagtatayuan ng kanilang future house.

Buntis ngayon si Ellen sa panganay nilang anak ng aktor.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-deactivate ng kanyang Instagram account ang sexy actress na si Ellen Adarna. Paniwala ng netizens, paraan daw ito ni Ellen upang makaiwas sa mga intriga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results