Jovit Baldivino's ex-girlfriend gets engaged on Valentine's Day

IMAGE Facebook / Instagram

(Left photo) Shara Chavez shows off her engagement ring after boyfriend Chris Dizzle proposed to her on Valentine's Day in Maldives. (Right photo) Shara with ex-boyfriend Jovit Baldivino during their happy times.  


Engaged na ang dating girlfriend ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez.

Nangyari ang proposal ng boyfriend ni Shara sa kanya habang nagbabakasyon sila sa Maldives nitong Araw ng mga Puso, February 14.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, nag-post si Shara ng video at photos nang mag-propose ang boyfriend nitong si Chris Dizzle.

Sa caption, sinabi ni Shara na hindi pa sila ganoon katagal nagdi-date ni Chris, pero isang tunay na babae raw ang trato sa kanya ng boyfriend.

Base sa social media account ni Chris, isa siyang US army soldier.

Nabanggit din ni Shara na sa Cavite ang hometown ng boyfriend. 

Ito ang buong caption ni Shara: “Find a guy who will not make you a Lodi but a bride-to-be. Waaaah! I’m engaged!!

"We’ve only been dating for a short period of time, but you treat me like a true lady!!

"Having you as my Valentine is just a bonus! I can’t wait to see what our future holds...

"Happy Valentine’s, babe."

June 2017 nang ihayag ni Shara sa social media ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Jovit dahil sa diumano’y pambababae at pagsusugal ng Pilipinas Got Talent Season 1 winner.

Mayroon silang one-year-old daughter.


Stories We Are Tracking

Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Shara Chavez firm on decision to break up with Jovit
Shara Chavez firm on decision to break up with Jovit


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN