Lovi Poe not yet ready to get married or have a baby

IMAGE Mark Atienza

Lovi Poe says she and boyfriend Chris Johnson are not yet at the marrying stage. "It's like something na wala pa sa listahan namin dalawa."


Marami ang nagsasabing mas lalong naging makulay ang buhay ng Kapuso actress na si Lovi Poe mula nang makarelasyon niya ang French businessman-event specialist na si Chris Johnson.

Reaksiyon dito ni Lovi, “Of course, malaking bagay lahat ng tao sa buhay ko.

“Kahit sino man 'yan, anyone can make my day, even someone I don’t know.

“Even a simple fan who says hello and who’s happy about my work, talagang nakakapagpasaya sila ng tao.”

Kapansin-pansin lang ang madalang na ngayong pagpu-post ni Lovi sa Instagram ng photos nila ni Chris na magkasama.

Sila pa ba?

Hindi man diretsahang sinagot ni Lovi ang tanong, sinabi niyang, “It’s just that we’re very busy, and it doesn’t mean naman I have to update all the time.”

May mga ilang video at photo si Lovi sa Instagram na minsan ay naroon sa bahay niya si Chris.

Pero itinanggi ng 29-year-old actress na nagli-live in na sila ng kasintahan niya.

Finally found the time for a Sundate. ????

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe) on

Aniya, “We barely even see each other, how’s that gonna happen?

“Long distance na nga ang QC sa Makati.”

Ayaw i-pressure ni Lovi ang sarili sa ideya ng living in para lang makilala nang husto ang boyfriend.

Paliwanag niya, “Well, you know if it happens, it will happen.

“But in the future pa siguro, if I choose to do it.

“But then now kasi, my life is here, near work, and he’s there with his work.”

Bago pa si Chris, naunang naging boyfriend ni Lovi ang Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Na-link din siya sa Kapamilya actor na si Jake Cuenca.

Sa tanong kung ano ang kaibahan ng non-showbiz at foreigner boyfriend sa mga aktor na nakarelasyon niya, sinabi ni Lovi na wala namang pagkakaiba ang dalawa.

“I think it’s not about [if] showbiz or non-showbiz ang boyfriend mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s about the person.

“Ang importante kasi sa trabaho ko, magkaroon ng isang someone na makakaintindi sa trabaho ko.

“So, okey naman siya.”

NO WEDDING BELLS YET. Wala bang planong kasalan?

Mabilis na sagot ni Lovi, “It’s like something na wala pa sa listahan namin dalawa.”

Bagama't nasa category ng pagiging modern woman at liberated si Lovi , marrying type rin naman daw siya.

“Of course, I’m human.

“It gives me chills to even think about it first.

“If it happens, it happens. Then good.

“It’s not about...I don’t think it’s about the marrying age.

“It’s about marrying the right person.

“You know, just relax and not think about it.”

Hindi pa ba niya nakikita kay Chris yung ‘right person’ na sinasabi niya?

“Ay, no,” mabilis niyang paglilinaw.

“It’s not that.

“It’s just that at this moment, to marry someone, kailangan buo ka, e.

“Kailangan ikaw mismo.

“It’s not just about the other person, It goes both ways.”

Ano pa ang kulang sa kanya para masabing gusto na niyang magpakasal?

Tugon ni Lovi, “I don’t know, it’s still a journey that I have to go through.

“I think, there’s so many things that I wanna do with my life.

“I can personally can say that I’m not ready.”

Okey lang ba sa kanyang magka-baby muna bago ang kasal?

“Well, not really.

“Isa pa rin ['yan] sa mga bagay na hindi pa ako ready.

“It’s not in my head.

“I may be liberated, but then, that's something that is not yet on my list either, because ang pagkakaroon naman ng baby is something na hindi dahil gusto mo lang, e.

“You have to make sure that your baby wants you back too when she or he is there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BILLING ISSUE WITH ERICH. Hindi naman nagpaapekto si Lovi Poe sa billing nilang pareho ni Erich Gonzales sa lalabas nilang pelikula, ang The Significant Other na dinirehe ni Joel Lamangan at iprinodyus ng CineKo Productions.

Kahit nauna ang pangalan ni Lovi sa billing, may ‘and’ naman ang pangalan ni Erich.

Ilang press ang pumuna sa billing ng dalawa, bagay na ipinagkibit-balikat lang ni Lovi.

Saad niya, “I don’t care about [the] billing issue.

“And we'll leave that to our managers.

“It’s not a big deal.

“I’m part of the film and my name is there, so what’s wrong?”

Kahit kinukunsidirang isa sa prime contract artists si Lovi na nagbida na rin sa maraming teleserye ng GMA-7 at nanalo na ng best actress award, wala pa rin daw pakialam ang aktres sa billing.

Diin niya, “No, it’s not an issue.

“We're all in this film and I don’t think there’s anything wrong with my name.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa presscon ng The Significant Other, na ginanap sa Higher Grounds Net Café, Quezon City, noong February 11.

CHOOSING TO BE HAPPY. Kapansin-pansin ang pagiging masayahin ni Lovi, na halos lahat ng mga nakakasama niya sa pelikula man o sa TV series ay nakakabuo siya ng friendship.

“I’m such a happy person talaga, e,” nakangiti niyang pagsasalarawan sa sarili.

“Parang I’m always very excited to go to work and everything.

“Masayahin po talaga akong tao and I’m happy na talagang ganun ang nararanasan ko every day.”

Hindi naman itinatanggi ni Lovi na mayroon din siyang mga pinagdaraanan.

Sabi pa niya, “Of course, I do. Meron naman po talaga [akong pinagdadaanan].

“I’m human and I deal with a lot of things too.

“But then, ang happiness naman kasi, it’s not just a feeling, it’s a choice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang even if you’re going through [the] toughest times, choice mo talaga kung paano mo iha-handle yung situation.

"And I always choose to be happy."

Dugtong ng aktres, “Of course, I have my moments, but I think it important to just count your blessings.

“Let’s not dwell on the negative things or other things na wala tayo.

“Isipin natin dapat maging masaya tayo sa kung anong meron tayo.

"Kasi, the more bilangan mo yung blessings mo, mas maraming dadating.

"Kasi nga, a grateful heart always wins.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN