Angelica Panganiban on ex-boyfriend: "Hindi naman 'to gwapo, a! Lapad ng noo mo, 'day!"

IMAGE Instagram @iamangelicap

Angelica Panganiban's reaction when an ex-boyfriend started going out with a new girl: "Yung pinakamalala yungdi ka brineakan, tapos ikaw, parang, 'Ha? Akala ko tayo?' Tapos kung gusto mo mang kausapin, di mo mahagilap, di mo makausap. So, magde-decide ka na, 'So, move on na ako no? Breakup na siguro yun?'"


Idinaan muli ni Angelica Panganiban sa pagbibiro ang sakit ng hiwalayan nila ng huli niyang ex-boyfriend.

Hindi man tuwirang pinangalanan ni Angelica kung sino ito, nagpatutsada ang aktres na nalaman na lang niyang hiwalay na sila ng nobyo nang makitang may kasama itong ibang babaeng nagbakasyon sa isang isla.

Sa interbyu ni Gabbie Tatad para sa The Philippine Star Supreme noong Pebrero 10, pahayag ni Angelica, “Yung pinakamalala, yung di ka brineakan, tapos ikaw, parang, ‘Ha? Akala ko tayo?’

“Tapos kung gusto mo mang kausapin, di mo mahagilap, di mo makausap.

"So, magde-decide ka na, ‘So, move on na ako, 'no? Breakup na siguro yun?’”

Ayon kay Angelica, imposibleng walang signal ang mobile phone ng kanyang ex-boyfriend dahil tila nakakapag-update naman ito sa social media noong panahong hinahagilap niya ito.

Sa panayam pa rin nila ni Tatad, sinabi ng aktres, “Mukhang may signal naman siya, kasi may mga videos na lumabas na nasa island sila, sumasayaw sila, mga bangag sila.”

Ang kaalamang may ibang babae na ang nobyo ang nag-udyok umano kay Angelica upang mag-move on na.

Aniya, “So, sabi ko, ‘Sila na siguro, di lang ako na-inform.’”

OVERLAP? Base sa tinuran ni Angelica, tila ang tinutukoy niyang ex-boyfriend ay si John Lloyd Cruz, at lumalabas na may ugnayan pa sila hanggang mid-2017.

On record, napabalitang naghiwalay sila noong January 2016 at kinumpirma pa nila ito sa mga magkakaibang panayam sa kanila noon.

Naiulat ding nanatili silang mabuting magkaibigan, base sa panayam kay Angelica noong November 2016, at sa hiwalay na panayam kay John Lloyd noong January 2017.

Nang mga sumunod na buwan ay makailang-beses pang namataang magkasama ang ex-couple.

Ngunit kung nanumbalik man ang kanilang relasyon noon, hindi nila ito isinapubliko.


Stories We Are Tracking

Angelica opens up about being friends with John Lloyd
Angelica opens up about being friends with John Lloyd
John Lloyd Cruz joins dinner at Angelica Panganiban's house
John Lloyd Cruz joins dinner at Angelica Panganiban's house

Nang mga panahong iyon ay makailang-beses ding namataang lumalabas si John Lloyd kasama ang Home Sweetie Home co-star niyang si Ellen Adarna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna together in Ilocos Norte
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna together in Ilocos Norte

Hanggang sa noong September 2017, kumalat sa social media ang videos at photos ng pagbabakasyon nina John Lloyd at Ellen sa Bantayan Island, Cebu.

Dito rin nag-umpisang masaksihan ng mga may access sa Instagram accounts nina John Lloyd at Ellen ang pagkakamabutihan ng dalawa at pagbabakasyon nila sa Europa noong October 2017.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna "baby" during Cebu getaway
John Lloyd Cruz spotted kissing Ellen Adarna in Paris
John Lloyd Cruz spotted kissing Ellen Adarna in Paris

Pagpatak ng November 2017, naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Ellen, at si John Lloyd ang ama.

Noong January 2018, ang tanging kinumpirma ni Ellen ay sila na ni John Lloyd.

Pero hindi pa rin nagsasalita ang dalawa tungkol sa pagdadalangtao ng sexy star, pati na ang espekulasyong engaged na sila.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen finally confirms relationship with John Lloyd
Ellen finally confirms relationship with John Lloyd

MOVING FORWARD. Sa parte ni Angelica, makailang-beses siyang nagbigay ng malamang pahayag tungkol sa di pinangalanang ex-boyfriend, na basta na lang daw nakipaghiwalay sa kanya nang walang pormal na closure.


Stories We Are Tracking

Angelica to ex-BF's new GF:
Angelica to ex-BF's new GF: "Inagaw mo lang 'yan sa akin!"
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF

Sa pagpapatuloy ng panayam ng The Philippine Star Supreme kay Angelica, inihayag ng aktres na kusa lang niyang naramdamang hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon ang taong hindi nagpahalaga sa pagmamahal na ibinigay niya nang buung-buo.

“Yung iniisip mo na, ‘T*****a, hindi naman 'to gwapo, ah.’

“Yung ang tagal mong iniyakan, ang tagal mong pinagsilbihan, ang dami mong in-adjust at kinalimutang mga tao o paniniwala sa buhay, 'tapos, talaga? Ikaw pa yung iiwan?

“Lapad ng noo mo, ‘day!”

Sabay pabirong turo ni Angelica sa sarili, “T*****a naman o, kanang-kana.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN