Jackie Rice on being loveless: "Aanhin ko ang love life kung lagi naman akong umiiyak?"

IMAGE Noel Orsal

Jackie Rice is happy despite being single: "Aanhin ko naman ang love life kung lagi naman akong umiiyak? Or, may love life nga ako, hindi naman ako masaya. So, I think, hindi ko siya deserved."


Aminado si Jackie Rice na mas masaya ang buhay niya ngayong wala siyang boyfriend.

May mga nagtangka naman daw manligaw sa kanya, pero wala siyang sinagot sa isa man sa mga ito.

Kuwento ni Jackie, "May dinate ako nung last, pero hindi kami nagkakaintindihan.

"Non-showbiz siya. Hindi kami magkaintindihan.

"Ano na lang ang ibigay sa akin ng sa Itaas, hindi na ako mamimili.

"Hindi na rin ako bata."

Dugtong pa niya, "Aanhin ko naman ang love life kung lagi naman akong umiiyak?

"Or, may love life nga ako, hindi naman ako masaya.

"So, I think, hindi ko siya deserved."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa grand presscon ng GMA's first advoca-serye, Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network noong February 12.

JACKIE’S EX. Sa pagkakataong ito ay nagbahagi si Jackie tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

Tumagal ang kanilang relasyon ng walang taon, pero wala ring nangyari.

Lahad ng 27-year-old actress, "Tumagal nga din yun. Pero pareho namang kaming mag-decide to let go.

"Eight years din, then naging single ako for one year.

"May sumunod na. May dinate na ako kailan lang, hindi rin nag-work.

"Naka-move na rin ako sa dati. Naggi-girlfriend na rin siya.

"Ako naman, nagdi-date din naman.

"Pero ngayon, wala. Ayoko muna.

"Okey naman na walang Valentine's [date], kasi, di ba? Mas maraming gifts," biro niya.

Kaya nga raw ang ka-date niya sa araw na ito ay ang kanyang ama.

KONTRABIDA ROLE. Samantala, tanggap naman ni Jackie na nalilinya na siya sa kontrabida roles, katulad nitong sa Hindi Ko Kayang Ikaw Ka.

Ito na ba ang magiging career path niya ngayon?

Tugon ng StarStruck alumna, "Actually, gusto ko. Sana, di ba?

"Kung doon ako nakikita ng GMA. Siyempre, GMA 'yan, may mata 'yan.

"So, alam nila kung saan nila ilalagay ang mga artista nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey ako, masaya ako.

"Pero gusto ko ay paiba-iba pa rin.

"May mga guestings naman ako sa ibang show, mabait pa rin.

"Gusto ko rin yung magtaray, maging mabait, yung mag-shift ng roles."

Kung siya raw ang masusunod, bida-kontrabida roles ang gustong gawin ni Jackie at ayaw niyang mapako sa isang imahe lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN