Arci Muñoz on relationship with Anthony Ng: "Ngayon ko napi-feel na girl ako."

IMAGE Instagram

Arci Muñoz is all praises for her current boyfriend. "Kung ano siya sa akin ngayon, ganun ako sa ex ko. Ngayon ko napi-feel na girl ako, na girl na girl ako. Hay, ang galing! Ang galing talaga ni Lord, gagawa talaga ng paraan si Lord."


Halatang in love at maligaya ang puso ni Arci Muñoz nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang Tinagba Festival 2018, sa Iriga, Camarines Sur, noong February 11.

Current boyfriend ng aktres ang businessman na si Anthony Ng, na dating kasintahan ni Erich Gonzales.

Ayon kay Arci, ngayon niya naranasan kung paano magmahal at suklian nang sobra-sobra ang pagmamahal na ibinibigay niya.

“Okay, sobrang okay,” pagtukoy ni Arci sa estado ng puso niya sa kasalukuyan.

“Masaya? Oo sobra, dyuskupo!

“Ngayon ko lang naku-compare na, 'Hala, ganun pala ako dati.'

“Kung ano siya sa akin ngayon, ganun ako sa ex ko.

“Ngayon ko napi-feel na girl ako, na girl na girl ako.

“Hay, ang galing!

“Ang galing talaga ni Lord, gagawa talaga ng paraan si Lord.”

His face after riding every ride at universal. Haha pilit ???? #nochoice ????

A post shared by Arci Munoz (@ramonathornes) on

Nakita na ba niya sa boyfriend ang mga katangian ng lalaking gusto niyang pakasalan?

Tugon ni Arci, “Ayoko namang pumasok sa isang relasyon na di ko nakikita ang sarili ko na iyon [ang pakakasalan]."

Gaano katagal pa bago niya makita ang sarili na bumuo ng sariling pamilya?

“Twenty-nine na ako, ayoko namang ma-pressure, pero pine-pressure ako ng mga tao.

“Hindi ko masabi talaga, pero ideal age for marriage, 32 siguro or 33.

"Parehong ate ko pinakasalan nila, first boyfriend nila. E, 34 yung isa, yung isa 32."

FOR A CHANGE. Abala ngayon si Arci sa taping ng teleseryeng pagtatambalan nila ni Piolo Pascual sa ABS-CBN, kasama sina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Nagpapasalamat ang aktres na isang romantic-comedy series ang ginagawa niya ngayon dahil magaan at madaling gawin ito kaysa sa mga nauna niyang nagawa sa Kapamilya network.

Kuwento ng aktres, “Masaya, sobra.

“Yung mga kasama ko, makukulit. 'Tapos si Direk Tonette [Jadaone], sobrang gaan katrabaho.

“Para lang kaming naglalaro.

“Nung isang araw, nag-taping kami, pero nag-paint ball lang kami.

“Nakakatawa kasi rom-com siya, e, sobrang gaan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya, kasi lagi pag gumagawa ako ng soap sobrang bigat, nade-depress ako. Nauuwi ko yun.”

GRIEVING OVER DAD'S DEATH. Ibinahagi ni Arci na noong namatay ang kanyang ama na si Manuel Ramon noong 2016, pakiramdam niya ay namanhid ang katawan niya sa sakit.

Malaking tulong daw ang mga trabahong ginagawa niya para malagpasan ang lungkot sa pagkawala ng ama.

Pag-alala niya, “Di ba, may time na nawala ang dad ko?

“A few months after that, ibinigay nila sa akin yung Magpahanggang Wakas.

“Grabe, grabe talaga, mababaliw yata ako [noon].

“Kahit di ko kailangang umiyak, naiiyak ako, kasi di ako nakapag-mourn nun, e.

“Alam mo, tulala lang ako nung time na yun, para akong [on] auto-pilot kasi wala akong napi-feel.

“Ganun pala yun, siguro pagod na pagod na lang yung katawan ko, ngayon na lang ako binabawian.”

Patuloy pa ni Arci, “Ngayon, ang dami ko nang nararamdaman.

“May scoliosis pala ako. May sakit pala ako sa tiyan, sa stress dati... yung mga ganun.

“Nung time na yun, kain lang ako nang kain kaya tumaba ako.”

Bagamat maligaya siya ngayon, hindi pa rin siya tuluyang nakapag-move on sa pagpanaw ng ama.

Ngunit nagpapasalamat siya sa kanyang trabaho dahil nakakatulong ito upang may pagtuunan siya ng pansin.

“Ngayon, okay naman na,” aniya.

“You really have to go through it, kailangan mo talaga ng mahabang time.

“Di mo rin naman masasabi ngayon na okay ako kasi, every night, naiisip ko pa rin ang dad ko.

“Siguro kung wala akong work, baka mag-flip ako, e.

“Di ba, very senstive yung ganyang matter, yung ganyang issue?

“Sobrang laking tulong talaga na may work.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN