Keanna Reeves breaks up with 20-year-old boyfriend: "Nalaman ng mudra!!!"

IMAGE Keanna Reeves on Facebook

Ayon kay Keanna Reeves, hindi boto sa kanya ang ina ng boyfriend na si John del Rosario, kaya sila naghiwalay ilang linggo matapos niyang ilantad sa publiko ang kanilang relasyon.


Hiwalay na si Keanna Reeves sa kanyang 20-year-old boyfriend na si John del Rosario.

Ayon sa sexy star, nangyari ang breakup nila ilang linggo matapos niyang aminin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong July 2017, na may boyfriend siyang basketbolista na nag-aaral sa isang kolehiyo sa Quezon City.

Ngayon lang daw naging bukas si Keanna na pag-usapan ito dahil mahal talaga niya ang dating nobyo.

Pag-amin pa niya, ayaw sa kanya ng ina ni John.

Bulalas niya, “Nalaman ng mudra!!!”

Hindi raw nagustuhan ng ina ni John ang mga negatibong komento ng netizens sa anak pagkatapos umamin ni Keanna sa kanilang relasyon.

Saad ni Keanna, “Marami kami plano nun, e, dapat mag live-in na kami dito siya mag-stay sa bahay ko...

“Tapos nung nag-viral na [yung love story namin], nag-usap kami na deadmahin na lang yung issue, kasi di pa daw siya sanay sa showbiz.

"Kaso, nakarating sa mother, e.

“Dami nabasa na nega! Kaya nag-react, pinagalitan siya."

Patuloy niya, "Nag-usap kami ano gagawin namin, kasi dependent pa siya sa mama niya at nag-aaral pa siya.

"Hanggang di na kinaya, nag-aaway na sila ng mama niya.

“Kaya nag-decide kami, stop na namin muna, palamig muna kami.

"Hanggang di na lang kami nag-uusap, tapos siyempre, life must go on! Charot!

“Deadma na lang din ako kasi, di ba, bata pa siya?

"At ayoko naman kalaban ko mama niya, di ba, e, pangit na kasi yun."

Halos 30 taon ang agwat ng kanilang mga edad.

Sabi pa ni Keanna, gusto sana niyang tulungang makapasok sa showbiz ang dating boyfriend.

“Nanghinayang kaya ako nun, kasi okay na sana mga plano namin, tutulungan ko siya sa career niya.

"Kaso, nakabasa yata yung mama niya nang di maganda, kaya normal reaction ng nanay, nagulat, at nabuwisit sa mga nabasa. Hindi sila sanay sa showbiz."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Keanna sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong Huwebes ng hapon, February 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Meet Keanna Reeves's 20-year-old boyfriend!
Meet Keanna Reeves's 20-year-old boyfriend!

GOOD SON. Hindi ba siya ipinaglaban ni John sa ina nito?

Tugon ng comedienne, “Mabait kasi yun. Ayaw niya suwayin mama niya.

"Kasi wala na nga daw papa niya, kaya dapat daw alagaan niya mama niya.

"Kaya di na lang namin itinuloy para walang gulo sa bahay nila."

Patuloy ni Keanna, “Siguro paiba-iba isip ng mga tao, e.

"Ako kasi, ayoko magkarelasyon 'tapos kaaway ko yung pamilya!

“Parang ang gulo nun, di ba? Parang namimilit ako.

"At bata pa naman din yung lalaki kaya mag-enjoy muna siya, di ba?"

Ayon pa sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition big winner, kapag may nakarelasyon siyang lalaki ay gusto niyang matanggap din siya ng pamilya nito.

“I always do talaga sa lahat ng mga lalaki sa buhay ko, pamilya talaga inuuna ko.

“Kasi bago tayo dumating sa buhay ng lalaki, andiyan na pamilya nila, priority nila ‘yan

“Kaya unang concern ko talaga, kung gusto ba ako ng pamilya.

"Kasi kung hindi, di ko rin ipipilit sarili ko.

“Magulo kasi yun at maghihiwalay lang din kayo nun kung araw-araw pag-aawayan nila yun, di ba?

“Siguro, yung lalaki, di pa niya kaya tumayo at magdesisyon para sa sarili niya.

"Kaya di niya na lang din ipinaglaban. Pero sobra siya nalungkot nun..."

Nananatili naman daw silang magkaibigan ng ex-boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN