Korean actor Jin Ju Hyung wants to work with Anne Curtis, Sarah Geronimo, Erich Gonzales, James Reid

IMAGE Rose Garcia

Jin Ju Hyung has a five-year-contract with Viva Artists Agency, and plans to build a career in the Philippines. 


Pumirma ng five-year contract sa Viva Artists Agency ang South Korean star na si Jin Ju Hyung.

Bukod sa mga nilabasan niyang Korean drama tulad ng Hwarang at Suspicious Partner, nakilala sa bansa si Ju Hyung dahil sa You With Me, ang pelikulang pinagbidahan nila ng Kapamilya actress na si Devon Seron.

Ipinanganak sa South Korea si Ju Hyung, na ang tunay na pangalan ay Kim Ji Tae, pero noong dalawang taon siya ay nanirahan sila sa Singapore.

Noong siya ay anim na taong gulang, tumira naman sila sa Toronto, Canada, sa loob ng sampung taon.

Ito raw ang dahilan kung bakit nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng English.

Nagustuhan daw ni Ju Hyung ang Pilipinas kaya natutuwa siyang magsimula ng career sa bansa.

Saad niya, “I’m so excited.

“I really love Philippines.

“When I was here in You With Me, it was really good and great memories.

“After that, I really want to work in the Philippines. That’s why I’m so excited.”

Paano niya ilalarawan ang Pinoy fans?

“They’re really sweet and nice.”

DREAM CO-STARS. May mga nakita o napanood na rin daw si Ju Hyung na Filipino stars na gusto niyang makatrabaho.

Ayon sa Korean actor, “Anne Curtis, Sarah Geronimo, and Erich Gonzales.

“I just saw them on TV.

“And I really like James Reid and I watched his music video, it was nice.”

Hindi ba niya nami-miss ang You With Me co-star niyang si Devon?

“Yes, of course,” mabilis niyang sagot.

“I met her a few months ago when I had my fan meeting.”

Noong February 6 naganap ang pirmahan ng kontrata ni Jin Ju Hyung na dinaluhan ng Viva executives na sina Boss Vic del Rosario at Veronique del Rosario.

Dumating si Ju Hyung sa bansa noon ding araw na yun, at bumalik din agad sa South Korea pagkatapos ng contract signing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit limang taon ang kontrata niya sa Viva, tuluy-tuloy pa rin daw ang career niya sa South Korea.

Ayon kay Ju Hyung, “I have a project in July at Korea. It’s a drama.

“I’m Korean and I wanna work in Korea and I wanna join many projects here, too.”

Aware din si Ju Hyung na maraming Pinoy na K-pop at K-drama addicts.

Sabi nga niya, “Personally, Filipinos love Korean and Korean celebrities.

“That’s why I sit here and I really appreciate it.”

Wala raw siyang girlfriend sa ngayon.

Ang huling naging girlfriend daw niya ay isang model.

Hindi rin niya isinasara ang posibilidad na magkagusto sa isang Pinay.

“Yeah, love is universal. Nationality and the language, it doesn’t matter.

"So I can fall in love with [girls from] other countries."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN