Jenine Desiderio stands by accusation against unnamed person: "Gatecrasher siya talaga."

IMAGE Courtesy: Jenine Desiderio on Facebook

Hindi pa rin nagpapatinag si Jenine Desiderio sa kanyang akusasyon sa isang taog nag-gatecrash umano sa isang family reunion nila noong December 2017. Itinanggi na ni Elmo Magalona na siya ang tinutukoy ni Henine, ngunit nanindigan ang ina ni Janella Salvador.


Nanindigan si Jenine Desiderio na nag-gatecrash talaga ang taong hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapangalanan sa isang pagtitipon ng kanilang pamilya noong December 2017.


Stories We Are Tracking

Jenine Desiderio posts cryptic message on Facebook
Jenine Desiderio posts cryptic message on Facebook

Sa isang post niya sa Facebook kahapon, February 15, muling idiniin ng singer-actress na kahit isinama ng isang imbitado sa party ang taong tinutukoy niya, hindi naman daw ang nag-imbita ang host sa nasabing pagdiriwang.

Hindi rin daw iyon tanggap ng kanilang pamilya.

Mensahe ni Jenine, “Gatecrasher sya talaga. That’s the truth. Ask the fam. No more lies please.

"The one who brought this person was not the one hosting the party & did not inform anyone that she invited a non-family member to a family reunion. Nor was this ok with the family as they both claim.”

Dagdag pa niya, “This is fine under normal circumstances if this person did not cause the major break up of a family.

"But.... I’m so tired of being maligned & painted out of line. Please know the facts from all sides before judging & reacting. Thank you.”

Itinanggi na ng anak ni Jenine na si Janella Salvador at ng rumored boyfriend nitong si Elmo Magalona na nag-gatecrash ang binata sa family reunion nina Jenine noong huling bahagi ng 2017.

Ayon pa kay Elmo, hindi siya ganung tao na maggi-gatecrash sa isang party na hindi siya imbitado.

Sabi naman ni Janella, siya ang nagsama kay Elmo sa party ng kanilang pamilya at aprubado raw iyon ng kanyang mga kamag-anak.


Stories We Are Tracking

Elmo Magalona reacts to Jenine Desiderio's gatecrasher post
Elmo Magalona reacts to Jenine Desiderio's gatecrasher post


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN