Martin del Rosario not worried about HIV

IMAGE Noel Orsal

"Kasi aware naman ako kung paano ka lang mahahawa, informed naman ako," says Martin del Rosario, who also discloses he has a friend who is HIV positive.


Dahil isa siya sa madalas pagdudahan ang gender sa mga lalaking celebrities, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin del Rosario kung ano ang reaksyon niya tungkol sa pag-a-out ni Mark Bautista kamakailan sa pamamagitan ng tell-all book nito na Beyond The Mark.

“Bakit, ano ba yung kay Mark?” tanong sa amin ni Martin na wala palang ideya tungkol sa isyu.

Binanggit namin kay Martin ang tungkol sa libro ni Mark, kunsaan umamin itong bisexual.

“Talaga?” tanong uli ni Martin na talagang wala palang alam sa nangyari.

“Kilala ko siya pero hindi pa kami...walang usap.”

Ano ang reaksyon niya?

“Ano yan, e. Depende sa tao yun, e, 'di ba? Kung iyon ang makapagpapasaya sa kanya, bakit mo hahayaang... 'di ba? Parang… wala, kung umamin siya na ano, e di suportahan natin. Kasi alam natin yung ginawa niyang desisyon e kung magpapasaya sa kanya.”

Nagulat ba siya na nag-out si Mark?

“Nagulat. Nagulat kasi malaking move iyon, e. Lalo na sa Philippines kasi, 'di ba, 'pag ano ka, 'pag gay ka… hindi tulad sa ibang [bansa], kasi mas conservative yung kultura natin.

“So nagulat ako.

"Pero siyempre, on the other side, kung happy ka, na iyon yung desisyon niya. Kasi alam mong masaya na siya, 'di ba?”

Kung si Martin ang gagawa ng libro, meron ba siyang ilalagay o ibubulgar na sikreto na magugulat ang publiko?

“Never kong na-imagine yung sarili kong nagsusulat kasi hindi ako magaling sa mga salita-salita, e.”

Hindi raw niya maiisip gumawa ng libro.

“Never, never kong maiisip,” at tumawa ang Kapuso hunk.

Ano ang pinaka-shocking sa buhay ni Martin?

“Parang normal lang naman yung buhay ko. Meron akong mga… mga problema pero kasi , parang nakakahiya namang sabihin yung mga problema ko, kasi maraming mga tao na mas grabe pa yung mga problema, 'di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP si Martin sa presscon ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka nitong Lunes, February 12 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Bida sa show sina Yasmien Kurdi bilang Thea Balagtas, Mike Tan bilang Marco Angeles, Jackie Rice bilang Ava Imperial at si Martin bilang Lawrence De Leon,  

Nasa Hindi Ko Kayang Iwan Ka rin sina Gina Alajar as Adelaida Angeles, Shamaine Buencamino as Magda Balagtas, Charee Pineda as Anna Balagtas, Ina Feleo as Sofia Angeles, Mike "Pekto" Nacua as Tantoy Cruz, Catherine Rem as Olga Cruz, Caprice Cayetano as Angela Angeles, at Seth Dela Cruz as Maurice Angeles.

Under the direction of Neal del Rosario, magsisimula na ito sa February 26, Lunes.

A FRIEND WITH HIV. Hindi ba nagdalawang-isip si Martin dahil isang lalaking playboy na naging HIV (Human Immunodeficiency Virus) positive ang role niya.

“Hindi ako nag-second thoughts, nung nalaman ko yung buong story, tinanggap ko na agad. And iyon, lalo na about HIV, may kilala kasi ako na may HIV.

“Meron, isa lang yung kilala ko. Pero okey naman siya 'tapos… okey naman, parang masaya, normal. Friend of a friend.

“Pag nakikita mo siya, normal.”

Wala raw siyang nadamang pag-aalinlangan kapag nakakasama niya ang taong iyon.

“Kasi aware naman ako kung paano ka lang mahahawa, informed naman ako.”

Awa raw ang unang naging reaksyon ni Martin sa taong iyon.

“Na kawawa naman, pero kasi hindi ko alam yung ginagawa niya. Pero ang balita ko, nag-aano siya, yung retroviral [medicine], para makontrol, 'tsaka matagal ko na siyang kakilala pero until now healthy, wala naman akong nababalitaang isinugod siya sa hospital.

“Sabi naman 'pag sinusunod mo yung gamot mo lagi, puwede kang makipag-sex tapos hindi ka na makakahawa pero siyempre may maintenance yun na bawal na bitawan.”    


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN