Andrea del Rosario happy now with new inspiration

IMAGE Andrea del Rosario's Facebook account

Andrea del Rosario's new inspiration is professional polo player Anthony Garcia. The former actress turned Calatagan, Batagas vice mayor posted photos of her surprise birthday dinner with him.


Hindi blue ang kulay ng nagdaang Valentine’s Day para kay Calatagan, Batangas-Vice Mayor Andrea del Rosario dahil kitang-kita sa kanyang Facebook account na may taong nagpapaligaya sa kanya at sa anak na si Bea.

Pinost ni Andrea ang larawan ng lalaking minamahal niya ngayon na nagngangalang Anthony Garcia. Sinurpresa niya ito noong birthday nito nung February 3 at naka-post ang mga larawan nila sa Facebook.

Ito ang pinost na message ni Andrea:

“Maybe youre wondering Why it took me this long to post and greet you on your page? (Although, I greeted you at 11:57pm last night, for the Record! Lol )

"Its bec I couldnt Find the right words to express how happy I am to have met you and how grateful I am for having you in our lives......before you, Life was very gloomy!

"Thank you for showing me/us the meaning of [heart sign] , and for being the reason I/we smile and laugh again! 

"To my best friend, my bff, our travel buddy, our confidant, our driver to calatagan, my consultant, my Teacher, my coach (polo), my business partner, my [book sign], my [heart sign].......happy, happy [gifts sign] AG Polo Garcia !!!!

"Thank you for making our lives so much brighter! Looking forward to more wonderful memories and more adventures with you! Happy birthday Anthony Garcia !!!!”

Hiningan namin ng ilang impormasyon si Andrea tungkol sa bagong boyfriend niya.

Ayon sa actress-turned-politician ay isang professional five-goals polo player si Anthony at ito raw ang best Asian polo player sa Southeast Asia.

May pag-aari rin daw itong farm sa Calatagan at naglalaro ito ng polo sa Global Port Polo Farm sa Calatagan na pag-aari ni Congressman Mikee Romero.

Ang ina ni Anthony ay ang former Mutya ng Pilipinas-Asia 1971 na si Carolyn Masibay-Garcia.

Sa tanong namin kung kelan sila nagkakilala ni Anthony, hindi na muna ito sinagot ni Andrea. Ang importante raw ay napapaligaya siya ng kanyang bagong inspirasyon at maging ang seven-year-old daughter niyang si Bea ay close na close na rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN