Celebs express support on Robin Padilla-Aljur Abrenica reconciliation

IMAGE @kylienicolepadilla on Instagram

"Wala ng mas mahalaga pa sa pamilya at siyempre sa ngiting ngayon ko palang nakita mula sa mahal ko.. Salamat po sa mainit na pagtanggap.." Aljur Abrenica captioned on this photo with fiancée Kylie Padilla and her father Robin Padilla.


Malaki ang pasasalamat ng ABS-CBN actor na si Aljur Abrenica sa mainit na pagtanggap na natamo nito mula kay Robin Padilla, ama ng kanyang fiancée na si Kylie Padilla.

Kagabi, February 17, nagkita sina Aljur at Robin sa isang family dinner.


Stories We Are Tracking

Aljur, Robin cross paths at a family dinner
Aljur, Robin cross paths at a family dinner

Isang litrato mula sa family dinner ang ibinahagi ni Aljur sa kanyang Instagram account. Kasama ni Aljur ang kanyang buong pamilya kabilang na ang mga kapatid nito na sina Vin at Allen, at ang kanyang mga magulang na sina Alfonso Abrenica Jr. at Amor Guiang.

Makikita rin sa litrato ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez at ang nanay ng action star na si Eva Cariño.

Ang caption ni Aljur: "Wala ng mas mahalaga pa sa pamilya at siyempre sa ngiting ngayon ko palang nakita mula sa mahal ko.. Salamat po sa mainit na pagtanggap.."

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

Ikinatuwa rin ni Kylie ang pagkakasundo ng ama nito at ni Aljur. Dalawang litrato naman ang kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account matapos ang kanilang pagkikita.

Ilang Kapuso at Kapamilya celebrities naman ang nagpaabot ng kanilang mensahe at suporta ngayong  nagkaayos na sina Robin at Aljur. 

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Robin at Aljur nang mahigit isang taon matapos unang ianunsyo ni Kylie ang kanyang pagbubuntis sa anak nila ni Aljur na si Alas Joaquin noong January 2017. Nais kasi ng 48-taong-gulang na action star na makasal muna ang anak na si Kylie kay Aljur bago sana ito manganak.

Isa ang aktres na si Diana Zubiri sa mga naunang nag-comment sa post ni Kylie.


Comment naman ni Bela Padilla, "So happy for your, Ky <3"


Anim na heart emoji naman ang iniwan ni Mariel sa comments section ng post ni Kylie.


Praying hands emoji namang ang iniwan ni Ejay Falcon sa post ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Samantala, ilan naman sa celebrities at showbiz personalities na nag-like ng kanilang post ay sina Karylle, Patrizha Martinez, Joyce Pring, Kate Valdez, Gabbi Garcia, GMA executive Annette Gozon-Abrogar, GMA Artist Center Senior Talent Manager Tracy Garcia, Jana Roxas, Lexi Fernandez, at Abel Estanislao.



Maging ang kanilang mga tagahanga ay natuwa rin sa pagkikita nina Robin at Aljur.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN