Liza Soberano on Darna preparations: "They want me to maintain my body and just to get toned."

IMAGE Nerisa Almo

"I think they have something in mind. But they are not showing it to me though, kasi ayaw yata nila na 'pag nakita ko yung costume, 'Ay, kailangan ko pa talagang magpapayat!' or something like that," replied Liza Soberano when asked if there is a new Darna costume already.


Malapit nang mapanood ang seryeng Bagani sa ABS-CBN. May mga nag-akalang pelikula ang naturang serye dahil sa ipinakitang special effects at production designs.

“Para sa akin, like you’ve said akala mo pelikula, 'di ba? Because kung paano namin ginawa, we treated it like a movie I guess," sabi ni Liza Soberano nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng ASAP nung nakaraang Linggo.

"Lahat ng scenes very detailed. The set ups and everything, even our costumes, sobrang detalyado lahat. Kaya dapat abangan ng mga tao ang Bagani 'coz we really prepared for it.

"We really pay attention to details. It’s action-packed, it has a little bit of everything. There’s romance, there’s drama."


STILL PREPPING FOR DARNA. Pero kahit na may bagong programa, tuloy pa rin daw ang paghahanda ni Liza para sa pelikulang Darna.

“Continuous pa rin ang preparation, we’re starting really, really soon. Sana dire-diretso na.”

May costume na bang ipinakita sa kanya?

“Costume? Actually, ako wala pa rin talaga akong alam na costume. But I think they have something in mind.

"But they are not showing it to me though, kasi ayaw yata nila na 'pag nakita ko yung costume, 'Ay, kailangan ko pa talagang magpapayat!' or something like that.

"They want me to maintain my body and just to get toned.”


LIZA'S BUSINESS. Bukod sa showbiz ay pinasok na rin ni Liza ang pagbi-business. Ito nga ay ang Hope Hand and Foot Wellness, isang spa at wellness center.

Ayon sa aktres, masaya siya na malapit sa puso niya ang napiling negosyo.

“I’m really happy that I finally had the time to focus on Hope Wellness. 'Coz before, it’s Bellissima, I wasn’t really hands on with it. But now, I discovered my passion, I was able to incorporate it to my business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Life is even easier 'coz I’m passionate about it. I got to study more about it and I got to develop the passion and the talent that I have for the business that I have."

Maganda naman daw ang takbo ng negosyo niya.

“There’s a lot of people, not only fans, and nagulat ako because thare are people who aren’t even my friends who walked in," sabi pa ni Liza.

"That really says something about it kasi parang expected na my fans will support me no matter what and they will be there. But for other people, for people to just come in and go, that means w must be doing something right.”


LIZA AS INSPIRATION. Nung nakaraang taon ay marami ang nagulat nang kumalat sa social media ang isang mural na nakapinta sa isang restaurant sa Japan. Mukha ni Liza ang nakalarawan sa mural. Kahit pala ang aktres ay nagulat dito.

“Actually, 'di nila ako kilala. It was a Japanese restaurant and they are looking for a Japanese girl. Siguro they thought I was a Japanese or something so they used it as an inspiration for their mural.

“Nagulat ako, sabi ko, 'Ako ba talaga ‘yan?' Then I saw the Instagram of the painter, the artist, he posted a picture of me as his inspiration and that is actually me.”


MOST BEAUTIFUL FACE. December last year ay nanguna si Liza sa Most Beautiful Faces List of 2017 ng British Independent Movie Critics. Bagay na ikinataba naman ng puso ng magandang aktres.

“I’m really happy and blessed, natutuwa ako because parang napapansin na ng mga foreign countries the beauty Filipinos have. I believe in Kathryn [Bernardo], Pia Wurtzbach, Nadine [Lustre]. I’m really happy that we are being recognized.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN