Vaness del Moral ties the knot with non-showbiz boyfriend Matt Kier

IMAGE @albertandrada and @nqmodernphoto on Instagram

Vaness del Moral and non-showbiz boyfriend Matt Kier exchanged vows at Pinewoods Golf & Country Club Estate in Baguio City, early today, February 18.


Ikinasal na ang GMA-7 actress na si Vaness del Moral sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Matt Kier.

Isang intimate garden wedding ceremony na ginanap sa Pinewoods Golf & Country Club Estate sa Baguio City ngayong araw, February 18.

Parehong lumaki sa Baguio City sina Vaness at Matt kaya naman dito nila napiling magpakasal. 

Baguio Wedding of Matt and Vaness! ????

A post shared by NQ (@nqmodernphoto) on

Wala rin silang entourage at piling mga kaibigan at kamag-anak lang ang inimbita ni Vaness at Matt.

Sa nauna nitong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Vaness na simpleng kasal lang talaga ang nais nila.

Aniya, "Gusto namin family lang ang kasama namin sa wedding day itself."

Dagdag pang paliwanag nito, "'Tsaka parang ang hirap kasing iakyat 'pag manggagaling ng Manila lahat ng tao."

Nagkaroon naman daw ng pre-wedding celebration sina Vaness at Matt para sa kanilang mga kaibigan sa Manila.

Birthday ni Vaness noong May 23, 2017 nung nag-propose si Matt habang nagbabakasyon sila sa Coron, Palawan.


Stories We Are Tracking

Vaness del Moral to wed non-showbiz boyfriend next year
Vaness del Moral to wed non-showbiz boyfriend next year
Vaness del Moral engaged to non-showbiz boyfriend
Vaness del Moral engaged to non-showbiz boyfriend
A look at Vaness del Moral's black diamond engagement ring
A look at Vaness del Moral's black diamond engagement ring


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN