Sue Ramirez closes door on love team with Arjo Atayde getting real

IMAGE Noel Orsal

Sue Ramirez does not see her romance with Arjo Atayde onscreen going anywhere. "Trabaho lang talaga. Wala talaga Siyempre may special someone si Arjo," she clarifies.


Marami ang kinilig kina Sue Ramirez at Arjo Atayde nang mag-post sila ng pagbati sa ArSue fans noong Valentine's Day.

Kuwento ni Sue, "Nasa taping kasi kami nun, 'Uy, Valentine's Day. Mag-post tayo ng happy Valentine's from Paco and Anna…'"

Ang tinutukoy ng dalaga ay ang mga karakter nila ni Arjo sa teleseryeng Hanggang Saan ng ABS-CBN.

Deep inside... . . Happy Valentines Day from #TeamPana ♥? @arjoatayde

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Pero hanggang doon lang daw ang magandang samahan nila.

Hindi naman itinatago nina Sue at Arjo na may kanya-kanya silang special someone sa kabila ng pagkakabuo ng tambalan nilang ArSue.

Girlfriend ni Arjo ang Girltrends member na si Sammie Ramando.

Aminado naman si Sue na espesyal para sa kanya ang Boyband PH member na si Joao Constancia.

Ayon sa Kapamilya actress, "Hindi na rin siguro kami pinahihirapan ng mga taong nakapaligid sa amin.

“Naiintindihan nila, alam nila yung work, at lahat naman kami sa industriyang ito ay magkakakilala.

"Alam namin kung paano respetuhin ang isa't isa. Pag trabaho, trabaho lang talaga."

Hindi nga raw niya kinailangang magpaliwanag kay Joao.

"E, kasi from the start naman, gets na niya yun. Wala talaga, not at all."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sue sa studio ng ASAP nitong Linggo, February 18.

CLOSED DOOR. Hindi rin daw nakikita ni Sue na lalalim pa ang tambalan nila ni Arjo.

Aniya, "Sa ngayon, sarado ang mga pinto na yun.

"Hindi naman natin talaga alam kung ano ang puwedeng mangyari.

“Pero feeling ko naman, closed siya, closed pa.

“Siyempre, may special someone si Arjo, we have to respect that also.

“I’m not gonna open my doors out of respect."

Ano ang masasabi ni Sue na boto raw si Sylvia Sanchez sa kanya para sa anak nitong si Arjo? 

Tugon ng dalaga, "Natutuwa naman ako, of course, happy ako na love nila ako.

“Hayun, di na rin naging mahirap magtrabaho, kasi may acceptance from family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nandiyan si Tita Sylvia, di na rin nakakailang kumilos, so thankful ako."

Labis naman ang pasasalamat ni Sue na mainit na tinanggap ng publiko ang tambalan nila ni Arjo. 

"Nakakatuwa, dati talaga pinangarap ko nang makatrabaho si Arjo at ibinigay yun sa akin, thankful ako dun.

“The fact na tinanggap kami ng mga tao, hindi namin talaga itong in-expect at all.

“Kasi siyempre, bagong-bago, out of the blue, biglang Sue and Arjo nagkatambal.

“Nakakatuwa na natuwa din ang mga tao."

Tungkol naman kay Arjo, “Napakabait, feeling ko secure ako, safe ako.

“Kapag kaeksena ko siya, nirerespeto niya ako. He's a gentleman.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN