Did KC Concepcion and Aly Borromeo break up?

IMAGE Courtesy: @itskcconcepcion / @alybor11 on Instagram

Sinabi ni KC Concepcion na "super, super close" sila ni Aly Borromeo bilang sagot sa tanong kung hiwalay na ba sila ng dating Azkals player. 


Hiwalay na ba sina KC Concepcion, 32, at ang boyfriend nitong si Aly Borromeo, 34?

Ito ang tanong ng ilang netizens na nakapansin na walang naganap na Valentine’s Day celebration ang aktres at ang dating Azkals player.

Noong Valentine’s Day 2017, magkasama ang dalawa na um-attend ng service ng Victory church.

???? @everynation @victorymakati || Ph: @isafab

A post shared by K R I S T I N A (@itskcconcepcion) on

 

Kapansin-pansin ding noon pang November 19, 2017 ang huling post ni KC sa Instagram ng larawan nila ni Aly, kung saan nasa main cover sila ng isang magazine.

Si Aly naman ay noon pang December 11, 2017, ang last post kasama si KC, ngunit tungkol din ito sa magazine cover nila.

 

Kataka-taka ito dahil noong 2016 hanggang sa maging opisyal na ang relasyon nina KC at Aly, halos araw-araw silang nagpu-post sa social media ng mga kaganapan sa kanilang buhay at relasyon.

VALENTINE'S DAY 2018. Nitong nakaraang February 14, Valentine’s Day, nag-post si KC ng larawan ng isang pulang rosas.

Ngunit ang caption nito ay tungkol lamang sa nalalapit na launching ng kanyang bagong proyekto.

 

Kaya naman sa Instagram account ni KC, nagtatanong ang ilang followers niya tungkol kay Aly:





Sa isang post ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, tinanong muli siya ng mga tagahanga niya tungkol sa kanyang boyfriend, ngunit wala siyang naging sagot dito.

Samantala, wala namang post si Aly tungkol sa Valentine’s Day.

Sa isa niyang post sa Instagram noong January 27, nagkomento ang ilang netizens tungkol sa kanila ni KC.



 

 

"SUPER, SUPER CLOSE.” Bago pa man ang espekulasyong break na ang dalawa, nagtataka  ang mga tagahanga nina KC at Aly kung bakit wala na silang posts tungkol sa isa't isa. 

Nasagot naman ito ni KC sa panayam ni Darla Sauler noong January 31, 2018, na lumabas sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Sa nasabing panayam, sinabi ng actress-TV host na “okay” naman sila ni Aly.

Kuwento niya tungkol sa kanilang dalawa, “Aly and I have always been super, super close, so no matter what happens sa mga buhay namin, close kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, okay ba talaga sila?

Tugon ni KC, “Yes. Yes.”

Dagdag pa niya, “Busy ako ngayon, siya rin nagpapaka-busy.

"And kailangan kasi pareho ang priorities ng dalawang tao, di ba?

“Mahirap kasi kapag parang kuma-career yung isa, 'tapos yung isa hindi. It has to be the same priority.

“So, kung for the rest of the year pareho yung priorities namin, magwu-work.”

September 2016 ay napabalita na ring naghiwalay ang dalawa. 


Stories We Are Tracking

KC Concepcion quashes rumored breakup with Aly via IG post
KC Concepcion quashes rumored breakup with Aly via IG post

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag nina KC at Aly ukol sa isyung ito.


Stories We Are Tracking

KC Concepcion has found the perfect match in Aly Borromeo
KC Concepcion has found the perfect match in Aly Borromeo
KC Concepcion joins Aly's Christmas dinner with family
KC Concepcion joins Aly's Christmas dinner with family


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN